Chapter 3

5.8K 319 1.7K
                                    

Chapter 3

Drunk






I am torn between two choices. Ang hayaan si Ivo na iparamdam sa akin ang mga bagay na gusto kong maramdaman mula sa kanya o ang huwag siyang hayaan na gawin iyon at walang makuha na kahit ano. And I figured out that the latter is the best choice for now. Ayokong umasa.





Ayokong gawin niya iyon na wala siyang sinasabi sa akin. I'd rather work hard for it. I'd rather pursue him before he does that. Ang ayoko ay bigla-bigla niyang gawin iyon. It won't seem genuine to me. Parang ang dating ay ginagawa niya lang iyon dahil wala naman siyang choice... mabait ako sa kanya kaya dapat rin siyang maging mabait sa akin. When in fact, he doesn't need to be like that to me.






"Dinner daw sa labas. Treat ni Dr. Vazquez." Sabi ni Treece habang nag-aayos kami sa comfort room ng ospital. We will go home tonight and I will have a rest for three freaking days. Dire-diretso kasi ang shift ko mula nang dumating ako galing sa bakasyon at ngayon na lang ulit makakapagpahinga kaya pinagbigyan na ng mga bossing.






"Sino-sino ang kasama?" Tanong ko.






"Tayo... sila Nurse Theo... si Doc Ysa... tsaka yung ibang kaibigan niya yata sa ibang department." Sagot ni Treece, "Ayaw mo ba? Pwede ko namang sabihin sa kanila. Baka gusto mo nang umuwi."






"Huh?" Natawa ako habang naglalagay ng lipgloss, "Bakit naman ayaw ko? Libre 'yon, teh. Kailan pa ako humindi sa libre? Lalo na ni Doc Ivo..."






Nagkibit balikat siya, "I don't know. Baka kasi... umiiwas ka? Ewan ko. Ayos lang ba kayo ni Doc?"





I laughed, "Oo naman. Bakit naman hindi?"





We are not a couple who will have misunderstandings then and now. Magkatrabaho lang naman kami... ang pagkakaiba lang ay gusto ko siya higit pa doon. Even if I became straightforward to him last time, we are really okay. Hindi naman mababaw si Ivo para hindi iyon maintindihan. He won't get mad just because I told him that. We are not kids.







Paglabas namin ng comfort room ni Treece ay nakita na namin sila na naghihintay sa frontdesk. Yun nga lang ay wala pa ang manlilibre.





"Wait lang natin si Ivo." Sabi ni Doc Ysa, "Binisita lang ang kaibigan niya sa floor sa itaas."





"May naospital na kaibigan si Ivo?" Tanong ni Dr. Lim habang inaayos ang kwelyo niya.






"Pabalik-balik, Sean. Nakaconfine ulit ngayon. I don't know if you are familiar with her but... do you know the Diaz Law Firm case years ago?" Tanong ni Doc Ysa. Napalingon ako sa kanya, interesado sa topic.





I remember that. Nurse na ako noong nangyari ang issue na iyon. Isang buwan na puro iyon lang ang laman ng mga balita sa telebisyon at mga trending topic sa social media. The situation is frustrating because everyone knows the truth. It's so obvious. Ang problema ay masyadong malakas ang pamilya ng rapist na gumawa.






"Naalala mo ba nung mga panahon na pinapagod ni Ivo ang sarili niya sa internship, Aem?" Doc Ysa asked, "Yung mga panahon na hindi talaga siya makausap tapos hindi natutulog at kumakain."





Now that I remember it... yes, it was during that time.





"Wait." I said, "Sino doon ang kaibigan ni Doc Ivo, Doc Ysa?"







"The girl..." Sagot niya sa akin, "Bestfriend iyon ni Ivo, pati yung boyfriend na related sa mismong harasser niya. The situation is just so... messy. Tapos ngayon, ang sabi ni Doc ay may sakit nga raw. Si Dr. Dela Cerna ang nagdiagnose... and sabi nila, the root cause was when she fell back then..."






Sa Pagkapit | Liham 6Where stories live. Discover now