Chapter 7

9.1K 471 3.2K
                                    

Chapter 7

Birthday







"Good work, everyone! Rest well tonight!" Ivo said after we ate dinner.

Tinapos ko na talaga ang mga trabaho ko ngayon. Dahil bukas, kaarawan ko na naman. Hindi naman sa excited ko pero ganoon na nga. You see, pabida kasi ako at feeling main character ako kapag birthday ko kaya naman excited na ako.

"Alis tayo bukas, guys!" Pag-aaya ni Treece kaya napatingin sa kanya ang lahat.

Isang linggo pa lang silang nandito pero si Treece na ang pinakamadaldal. Mas nakaclose niya pa ang iba kaysa sa akin. Magkaiba kasi talaga kami ng kadaldalan ni Treece. Ako, madaldal lang. Siya, madaldal at makapal ang mukha. Oo, may pagkakaiba 'yon.

"Birthday ni Aelia!" dugtong niya dahil hindi nila nakuha agad.

Nagkatinginan kami ni Ivo. I immediately looked away. Nahihiya ako. Hindi lang halata pero nahihiya ako. Pinalo ko tuloy ang braso ni Treece.

"Set na yan, Aem!" sulsol naman itong si Nurse Theo.

"Marami pang gagawin bukas..." Dra. Riane suddenly said. Tumango ako. Tama naman siya. Tapos na ako sa mga gawain ko pero ang iba sa kanila ay hindi pa kaya hindi kami pwedeng gumala. Ang pangit naman kung may maiiwan kapag umalis kami bukas.

"Magpahinga na muna tayo ngayon." Sabi ni Dra. Ysa, "And happy birthday, Aelia!"

I chuckled, "Thank you, Doc!"

Bumati pa ang iba bago kami tuluyang dinismiss at tuluyan na hinayaang pumasok sa mga kwarto. I immediately lied down and sighed. Agad na nakatulog dahil sa pagod. Masyadong mahaba ang unang araw ng Abril.

It's always like that for me. Mahaba ang unang araw ng Abril pero maikli ang ikalawa. Hindi ko alam kung bakit tuwing kaarawan ko ay mabilis ang takbo ng araw.


When morning came, a lot of birthday greetings woke me up through text messages. Si Kiel ang unang una sa inbox ko.

From: Kiel

Message:

Happy birthday, gurang. Joke. Happy birthday, Aelia! Ililibre sana kita kaso wala ka naman dito so next year na lang (I hope nasa Batanes or something ka naman next year haha). Sana enjoy ka diyan pero huwag masyado kasi baka hindi ka na talaga umuwi dito. Ayusin mo lang, teh. May utang ka pa sakin kaya dapat umuwi ka.

I scoffed.

From: Kiel

Message:

Nga pala, sana pag-uwi mo hindi ka na single. Gayumahin mo na kung ayaw talaga!

Nagtipa ako ng sagot sa kalokohan niyang greetings. Wala talagang pinipiling araw ang pangdodogshow ng kaibigan ko.

Pagkatapos kong magreply kay Kiel ay binuksan ko na ang iba pang mensahe. The last message I saw is my mother's message. And it's very long... for what? Nakakaloka naman. Ayoko pa namang umiyak ngayon.



From: Mama

Message:

To my ever loving Aelia, my sun. Happy happy birthday. Hindi tayo nagkakasundo sa maraming bagay pero gusto kong malaman mo na masaya ako na may sarili kang opinyon at prinsipyo. It makes me feel that I succeeded in life because you grew up to be the amazing woman you are right now.

Sa Pagkapit | Liham 6Where stories live. Discover now