Chapter 11

4.3K 241 1.2K
                                    

Chapter 11

Mornings













"Saan ka galing, Aem?" Treece asked when I went back to the table.



"Kiel called. Sinagot ko lang." sabi ko sa kanya, "He's here in Coron too. May shooting raw sila for his new project."

Umupo akong muli at kumuha ng isang beer. Ivo came calmly, sitting on the space beside me. Kumuha siya ng alak sa lamesa namin at nakipagkwentuhan sa mga nandito. Isang malumanay na kanta na lang ang tumutugtog sa kasiyahan. May isang teenager na tumutugtog ng gitara sa unahan.



"Pwede ba kaming maglasing Dr. Vazquez—"



"Huwag," ako ang sumagot, "We have work to do tomorrow, remember, Theo? Ayaw mo pa bang umuwi sa Maynila?"



"I'm joking!" Theo exclaimed, "Ang init ng ulo ni madam!"



"Do you want to go home na?" Ivo suddenly asked me. Ako lang ang nakarinig ng tanong niya. Hindi ako sumagot agad kaya nagsalita ulit siya, "Did I say something wrong? Or did I offend you?"



"No," I said while looking at the beer bottle in my hand, "I just don't feel good."





Hindi sumagot si Ivo. Hanggang sa matapos ang gabi, hindi na ulit kami nag-usap. Magkahiwalay kaming bumalik sa kung saan kami nagiistay at hindi na rin ako nakipagkwentuhan sa kanila nang magdecide sila na doon ituloy ang inuman. I feel unsettled. I am not physically sick. But there's something bothering me. You know those times when you feel that something could go wrong anytime? Parang pelikula. Na kapag nabasag ang baso, alam na natin agad na may mangyayaring masama. It's what I feel since I woke up this morning.





"Aem, matutulog ka na?" Dra. Ysa asked me with a pout, lasing na siya. Actually, lahat yata sila, pwera lang kay Treece na medyo tipsy lang dahil mataas ang alcohol tolerance 'non, "Minsan lang 'to! Stop being workaholic for a moment!"





I smiled at Dra. Ysa, "Go and have fun, Doc. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, kaninang umaga pa. Sorry po, babawi na lang ako."





"Let her go, Ysa!" Ivo uttered before chuckling, umakbay siya kay Theo at tumalikod mula sa amin, "Let's go!"





Nagkatinginan kami ni Treece. Nagkibit balikat ako, she narrowed her eyes on me as if she's speculating something. Umiling ako kay Treece bago tumalikod at dumiretso na sa kwarto naming dalawa upang makapagpahinga. It is a very short day. Whenever we are not working and just having fun, days tend to be shorter. Katulad ngayon. Ang kaibahan lang, iba ang nararamdaman kong pagod.




Mababaw ang tulog ko buong magdamag dahil sa nararamdaman. Nang naramdaman ko ang pagbukas ni Treece ng pinto ay nagising na agad ako. It made me flinch. Kumunot ang noo niya nang makita akong gising. She stared at me curiously. Hindi ako light sleeper kaya bago ito sa kanya.




"Matutulog ka pa lang?" tanong ko.



"I should be asking you that, I thought you don't feel good, Aem." she nodded and yawned, she doesn't sound drunk at all as she answered me, "Oo, napasarap inuman eh. Kakatapos lang namin."



"Pero..." I stared at the wall clock inside the room. 5:30 am na.



She lied down on her bed and yawned again, "Patulog pa lang rin sila. Don't bother working later, Aem. Bebe mo na raw ang bahalang magsabi na magpapahinga tayo for today. I can't believe that Dr. Vazquez can also be talkative."



Sa Pagkapit | Liham 6Where stories live. Discover now