𝐄𝐌𝐏𝐄𝐑𝐎𝐑

9.8K 337 28
                                    

Mishka Pov.

Isang sunod sunod na katok ang gumising sa akin, pag tingin ko sa labas mataas na pala ang sikat ng araw

"Anak magbihis ka pupunta tayo doon ngayon" rinig kong sigaw ni nanay Rosita sa labas , maya maya may narinig akong yabag pappalis.

Wala akong magawa kundi magbihis nalang ng isang maluwag na damit at shorts na pantalon. Alam kong bawal ang suot ko dahil ang tradisyon dito mag suot ang babae ng kamesita at mahabang palda bilang respeto sa sarili at angkang, kaso wala akong pakialam sa tradisyong  iyun kaya susuotin ko ang gusto kong suotin pero ayaw kung mabastos ng mga lalaki sa labas kaya nagdala ako ng cloak susuotin ko paglabas ng bahay.

Paglabas ko ng pintuan nakikita kong nakahanda na si nanay at james sa pag-alis namin.

"wohhh ang ganda at ang kinis ng balat mo ate mika, ang puti puti mo daig mo pa ang isang anak ng maharlika sa subrang puti mo" pahangan sabit ni james, ngumiti nalang ako sa  kanya.

"oo nga ang ganda mong bata iha, napaisip tuloy ako anak kaba ng isang maharlika pero naglayas lang hahahah" pabirong sabi ni nanay pero alam kong totoo kaso dinala nya lang sa biro nya.

Sinuot ko nalang ang balabal ko at naglakad nakami paalis sa bahay namin. Paglabas ko lahat ng tao sa buong baryo nakabihis ng magaganda mapababae man o lalaki kaya napaisip tuloy ako kung saan ang punta namin at bihis na bihis ang mga tao dito samin.

Sa ilang minutong paglalakad namin narating namin ang Palasyo ng Larya, sa malayo palang kami kitang kita kuna ang karangyaan ng Kaharian, mga kalesang alam kung maharlika ang sumakay dito.

"Nay anong mayron dito ngayon sa palasyo?" taka kung tanong habang papalapit sa pituang nakabukas para sa lahat ng panauhin nito.

"Ngayong araw ang pagpipili ng mahal na Emperor nang magiging asawa nya kaya bukas ang kaharian para sa lahat" sagot ni nanay at na unang ng pumasok sa loob kasama si James

ngayong araw pala iyun

Sumunod na ako kay nanay sa loob at umupo sa tabi nya, sa harap namin mayroong itablado para sa mga babaeng pagpipilian. Simple lang itong pagpipili mas mahirap ang pagpipili ng magiging babae ng Emperor.

MAGBIGAY GALANG SA PAGDATING NG MAHAL NA EMPEROR

Nang marinig ng lahat iyun lahat sila ay yumuko kahit ang mga maharlika at mga ministro ng kaharian, ako lang ata ang hindi nakayuko. Kitang kita ko ang pagpasok nya sa bulwagang ito, masasabi kong napaka perpekto ng Emperor mula sa mapupula nyang mga labi, sa kilay nyang makapal, ilong nya matangos, blue nyang mga mata, sa malamig nyang emosyon, sa tindig nyang nakakaakit.

Bigla silang lumingon ng kasama nya sa akin, ng nagtama ang amin mga mata ng Emperor bigla akong nakaramdam ng hindi pamilyar sa akin sarili bilang tumibok ng malakas ang aking puso, na para bang kaming dalawa lang sa paligid at wala ng iba

"Sa mga binibining sasali sa pagpipilian pumunta sa ibabaw ng itablado ngayon na"

Bigla akong napaiwas ng titig sa Emperor ng marinig ko iyun, hindi kuna namalayan na nakaupo na pala sya habang nakatingin sakin at hindi na nakayuko ang mga tao.

Bigla nagsitayuan ang mga babaeng sasali at pumunta sa ibabaw ng itablado, makikita mo ang kagandahan at karangyaan nila sa buhay, may mga babaeng simpleng mamamayan din ang sumali kaso kaunti lang sila. Ang limang babaeng mapipili ay haharap pa sa pagsubok kung nararapat ba talaga sila maging asawa ng Emperador.

May naramdaman akong kakaiba at para akong matutunaw sa kanyang tingin kaya hinanap ko ito napabaling ang tingin ko sa Emperor na nakatitig sa akin, alam kong kanina nya pa ako tinittigan di ko alam kung bakit, paiwas nalang ako ng tingin sa kanya at humarap kay James na nakatutok sa harap.

May naramdaman akong gumagalaw sa loob ng balabal ko doon ko naalala na sumama pala si Ace kanina pag-alis namin sa bahay. Biglang lumabas si Ace sa loob ng aking suot at komportableng humiga sa mga braso ko. Kay Ace ko nalang itutuon ang buong atensyon ko.

Naramdaman kong bigla tumahimik ang maingay na paligid kaya unti-unti kong itinaas ang aking mukha at nakita kong nasa akin ang atensyon ng lahat ng tao dito ngayon hindi pala sa akin kundi sa pusang hawak ko.

"Kisha" isang malamig na tinig ang narinig ko kaya napabaling ang tingin ko sa Emperor na ngayon ay nakatayo sa harap ko na mayroon mapanganib na tinig handang pumatay kahit anong mang oras, mula sa pusa unti unti tumaas sana akin ang malamig nyang mata kaya natakot ko baka mamaya putol na ulo ko hahhaah. Nabigla nalang ako ng nagmamadaling pumasok si Ace sa loob ng balabal ko kaya bahagyang lumantad sa lahat ang maputi at makinis kong mga binti doon ko na alala naka shorts lang pala ako kaya dali dali akong tumayo para takpan ang mga binti ko.

Mas lalong lumakas ang panaginip na naramdaman kong nagmumula sa Emperor.

"Binibini ang ganda mo naman para kang isang diyosang bumaba sa langit at nagbabalat tao, pwede ba kita maging asawa" sigaw ng isang lalaki kaya napabaling ang tingin ko sa sumigaw, nakita ko ito nakatayo habang nakangiti tumitingin sakin masasabi kong anak mayaman sya dahil sa kanyang kasuotan.

Lumamig ang paligid kahit tanghaling tapat na at nabigla ang lahat ng putol na ang ulo ng lalaking sumigaw kanina at mayroong dugo ang Spada ng Emperor. Naglakad papalapit sa akin ang Emperor at kinuha nya ang aking braso saka hinila ako paalis sa mga tao pero bago namin lisanin ang lugar May naiwan kataga ang Emperor na kinabigla ng lahat.

"You can leave now, i already found my wife" huling sabi sabay hila sakin, hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman sa subrang bigla. Lutang lang akong hila hila ng Emperor hangang makarating sa kanyang kwarto.

Ng makarating kami doon ay pinasok nya ako at malamig na titigan , lutang ko naman itinuro ang sarili ko dahil hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nangyari. Bigla lumabas si Ace sa balabal ko at pumunta sa abaga ko para gisingin ako sa pagkagulat ko pagkatapos ay tumalon ito papunta sa Emperor at nagpapakarga sa kanya.

"Rest dahil bukas magiging asawa na kita" huling sabi nya at naglakad papalabas sa kwarto nya dala si ace.

—0—0—0—0—0—

The Death Empress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon