𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆

6.4K 192 5
                                    

Mishka Pov

Nang makauwi kami sa palasyo ay nakita ko ang asawa kong naghihintay sa labas ng pintuan, nang makita nya ako ay dali-dali siyang pumunta sa akin at niyakap ako.

"You need explain something to me" seryoso nyang sabi sa akin at inakay ako papasok sa loob.

Bago ako sumama sa kanya ay tinignan muna ang mga kawal at alipin na iniwang buhay, nang nakita nilang napatingin ako sa kanila ay bigla gumuhit sa mukha nila ang takot kaya tinignan ko sila ng malamig at sumunod na sa asawa kong naunang maglakad.

Nakita kong pumasok sya sa loob ng kwarto nya kaya sumunod ako, magkaiba ng kwarto namin dalawa dahil yun sa hiling ko tutul sana sya kaso wala syang magawa pa. Pumasok din ako sa loob nakita kong seryoso syang nakatingin sa akin, bigla nalang akong tumakbo at niyakap sya.

"Hubby sorry na if gabi na ako nakauwi sa subrang saya namin ni inay hindi ko na namalayan na gabi na pala" Naka pout kong sabi sabay tingin sa kanya.

"San ang ibang kawal at alipin?" Tanong nya sakin at binabasa ang isip ko.

"I dunno hubby sila lang ang nakasama kong maglakbay eh" mangungumbinsi ko sa kanya.

"2 days from now may concubine kana kaya dapat dito ako matutulog simula ngayon" seryoso kong sabi,

Oo POSSESSIVE ako pagdating sa pagmamay-ari ko. Bigla siyang tumayo kaya nagtaka naman ako.

"San ka pupunta?" Taka kong tanong.

"Ipapakuha ang mga gamit mo dahil ka na matulog"Ngunit lang ako sa sinabi nya dahil halatang mas excited syang makatabi ako sa pagtulog.

Ilang oras na paglilipat sa mga gamit ko naayus din. Andito kami ngayon sa kanyang kwarto at nakayakap sya sa akin.

"Hubby ilan ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya, gusto ko lang buksan ang topic na ito para malaman ko ang plano nya tungkol sa amin.

"Ilan ba gusto mo?" Balik nyang tanong sakin.

Napaisip ako sa sinabi nya, ang gusto ko lang ay mapagtutuunan ko ng pansin ang magiging anak naming dalawa.

"Dalawa o di kaya tatlo ok na sa akin basta hindi lang ako mawawalan ng oras sa kanila" malambing kong sabi sabay yakap din sa kanya dahil tinatamaan na din ako ng antok. Hindi ko na narinig ang huling sabi nya dahil nakatulog na ako.

Someone Pov.

Andito kami ngayong lahat sa loob ng kwartong ito dahil pag-uusapan namin kong paano pababagsakin ang Emperor ng Larya, ang kaharian ng Astra sana kaso takot kaming lahat sa Empress nila kaya napagdesisyunan ko nalang na gawin kakampi sila at kakausapin ko na talungan kami sa plano namin.

"Bukas na ang araw ng pagpili ng mga concubine para sa Emperor" seryoso kong sabi.

"Ipapadala ko ang kapatid ko doon upang maging mata nating lahat" sabi nya  sa amin habang sa labas ng bintana ang attention.

"Alam namn nating malaki ang pagkagusto ng kapatid ko sa Emperor na iyun alam kong papayag sya sa planong ito at alam kong mapipili din sya" seryoso nyang sabi ulit.

"Paano kung hindi aanib ang Empress ng Astra sa atin? Alam nating isa syang tusong tao at alam natin hindi sya sasama kong wala siyang maging benepisyo sa planong ito"  nabahalang sabi ng ministro kang.

"Gagawa tayo ng gulo sa mga mamamayan at ang tauhan ng Astra ituturo natin sa kanila, magandang plano hindi ba Jack" Sabi nya  kay Jack na kanina pa walang imik

"Oo dahil wala namn Jan ang Empress namin hindi ko alam kung saan at sino sya, may rebelde akong tauhan, kung mahuhuli sila ni ministro Kang ang Empress namin ang ituturo nila" sagot nya sabay tingin sa kanya at nakita kong tumatango si ministro kang ng kaharian ng Larya.

"Matapos ang lahat kong mapapasaatin ang larya at mapatay ang Emperor sakin mapupunta si Mishka" nakangiti nya sabi, alam naming lahat na malaki ang pagkagusto nya sa asawa ng Emperor.

Unang tingin nya  Mishka ay tinamaan ang gago hindi ko alam kung ano mayroon sa babaeng iyun at gusto gusto nyang makuha ang asawa ng Emperor.

Inosenteng mukha at magandang babae si Mishka bukod doon ay wala ng ispesyal sa babae kahit lamok hindi kayang patayin, isa lang syang simpleng at mahinang nilalang. Kong ako masusunod papatayin ko nalang ito baka sya pa ang magiging dahilan ng pagbagsak naming lahat.

Pero aminin ko man o hindi iba ang nararamdaman ko sa kanya na para bang sa likod ng inosente nyang mukha ay may demonyong pagkatao nakatago at yun ang dapat kong alamin, sa ngayon at Naka focus kami sa pagpaplano kong paano papatayin ang Emperor nila.

"Dapat na tayong maghanda dahil simula bukas babagsak na ang Emperor nila" huling sabi nya  bago umalis sa pagpupulong.

Nagkatinginan kaming naiwan at sabay sabay na tayo para umalis na, pero bago ako lumabas na hagip ng aking mata ang isang anino ng tao pero pinagsawalang-bahala kona ito dahil baka isa lang yan sa assassin nya pero iba naramdaman ko sa aninong iyun.









𝐌𝐀𝐆𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐁𝐀 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐌𝐈 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 -                   

...................
.............
........
....
..

𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠







The Death Empress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon