𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐆𝐒𝐀𝐊

5.9K 208 25
                                    

Empress Gin Pov.



Malamig kong pinagmasdan ang reaction nila Anne ng makita nila ako, nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala.

"Empress Mishka ikaw nga ba yan?" Naiiyak na sabi nya sakin na unti-unting lumapit. Dahan dahan naman akong umoo sa kanya ng makarating nya sakin bigla nya akong niyakap habang umiiyak na.

"Akala namin wala Kana! Akala namin may masamang nangyari sayo! Hindi kami umalis ng palasyo dahil alam naming babalik kah" sunod sunod na sambit nya habang hinahawakan ang mga mukha ko ng dalawa nyang kamay. Bumaling ako sa ibang nyang kasama

"Kayo hindi nyo ako na miss?" Taas kilay kong tanong na nakangiti. Ngumiti nalang ako dahil baka matakot sila hahhaha. Kanya kanya silang lumapit sa akin at dahan-dahan din akong niyakap dahil buntis ako at baka maipit ang anak ko.

"I'm homeeee" sigaw ng isang babae pagpasok nya sa bulwagan ng Empress.

"Aw May reunion ba guys?" Masaya nyang sabi na nakatingin ngayon sana amin.

"Amora" seryosong sambit ni Anne, oo si Amora Yap ang ikalawang concubine ay si poisonous beauty sya nagsisilbing mga mata ko sa kaharian ng Larya.

"Hayss na stress ako kay Rheane! Oops hahhaha!" Natatawa si Ara at Aries ng makita nag-iba ang mood ko




Third Person Pov.


Isang makulimlim na umaga ang sumalubong sa lahat, sumasabay sa madugong araw para sa tatlong kaharian

Nakahanda na ang Emperor, si Mark at mga kawal ng Larya para maglakbay papunta sa pinakamalaking kaharian ng Astra. Maraming mamamayan ang nabuhayan ng loob at nagdasal na sana na magtagumpay ang Emperor sa pag-uusap nila ng Empress Gin. Alam ng lahat ang pamamalakad ng Empress Gin kaya gusto nilang maranasan ito.

Sa palasyo ay tahimik lang nakaupo ang Empiratres Gin habang pinapanood ang pagsikat ng araw kasabay ng paghimas nya sa lumalaki nyang tyan.

'Don't worry babies mabubuo din tayo'

"Mahal na Empress, mahal na Empress ang kaharian ng Larya lulusob ngayon din" tarantang si ministro Jack ang nakakuha ng attention nya, mabuti nalang hindi nya hinihiwalay ang kanyang maskara at ginto nyang punyal na laging nakaipit sa buhok nya.

Lumamig ang presensya ng Empress sa balitang na narinig, naalala nya ang sinapit nya sa kamay ng Emperor. Lihim naman nasiyahan ang ministro sa nakita nya sa Empiratres nila, alam nyang nawagi na sila.

"Aries" tawag nya sa kanang kamay na Jan lang sa gilid.

"Ihanda ang batalyon ng palasyo! Makakaalis kana Jack" masayang lumabas si Jack dahil tagumpay ang plano nila. Mapapasakanila ang tatlong kaharian.

"Mahal na Empress" tawag pansin ni Aries kay Mishka na malalim ang iniisip.

"Gawin mo na Aries" bigay kahulugang sabi ng Empressvyumuko namang umalis si Aries. Ilang minuto lang ay itinaas ni Empress Gin ang kanyang kamay at may ikinumpas sa ire kasabay ng biglang paglabas ng personal na assassin nga Empress Gin.

"Alam nyo ang gagawin nyo" malamig nyang utos at naglaho na ito. Umalis ang Empiratres sa bulwagan at pumunta sa secretong silid ng kanyang kwarto at kukuha doon saka umalis para sumakay ng kabayo para salubungin ang paglusob 'kuno' ng Emperor. Di pa nakalayo ang Emperor ay humahangos  na dumating ang isang kawal na tauhan ng Blaze.

"Mahal na Emperor ang Empiratres Gin nilulusob tayo" sabi nito kaya naman nag-alarma ang lahat ng tauhan ng Emperor. Lumamig ang mata ng Emperor sa narinig at ang mga mamamayan na nakarinig ay natakot dahil ito pinakakatakutang nila ang magalit ang Empiratres Gin ng Astra. Hindi alam kung ano ang gagawin ng mga tao at nagsitakbuhan na sila sa narinig. Mga mga kalaban namn sa nakarinig ay masayang masaya sa kanilang isipan.

The Death Empress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon