4.

120 2 0
                                    


Dahil sa kanya, may quiz akong namiss. Nakakainis lang.






"Ok, hinanap ka ni ma'am kanina saan ka ba daw galing?" Hampas sa akin ni Nereca.





"Heshhh, dinala ako ni Allegory sa library nag-iyot kami doon. Nakakainis nga e', ang sakit ng likod ko. Ikaw ba naman daw ibagsak sa sahig," I pouted due to my annoyance.






"Ano? Sure ka? Pumayag ka? My God OK akala ko ba hard to get ka pero bakit ka pumayag kaagad," naiiyak na sambit ni Nereca sa akin.






"E' wala naman akong magagawa e', pumipiglas naman ako pero binuhat niya kasi ako papuntang library. Okay lang din narerelax din naman ako do'n sa library," I smiled widely at tumingin kay Nereca.





"Nasaan 'yong lokong-loko na iyon. At talagang gumamit siya ng bisaya moves ha!" Naiinis niyang sabi.




"H'wag na, masaya din naman ako sa aming ginagawa," sambit ko sa kanya.





"Fuck! Ano? Nahihibang kaba? Nasasarapan ka sa lalaking iyon?" Sigaw niya sa akin.





"Nasasarapan? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya galit.





"Ayon, nakita ko na ang hinayupak! Hoy Allegory, halika," tawag niya kay Allegory while raising her hand.






"Bakit?" Nagulat na tanong ni Allegory sa kanya.





"Hayop ka!" Sinuntok niya si Allegory ng malakas sa pisngi.






"Hoy! Gaga anong ginawa mo? Allegory," naaawa kong sambit.






Pinagtitinginan kami ng mga estudyante nang pinagsusuntok ni Nereca si Allegory.





"Yawa, unsay problema nimo bayhana ka? Giunsa diay tika?" Galit na sabi ni Allegory.





"Baliw kaba? Kaya pala 'di nakatake ng exam itong bestfriend ko dahil dinala mo lang sa library," sigaw ni Nereca sa kanya na parang nangangain ng tao.





"Grabe, girl power go," sabi ng mga babae.





"Basta Allegory parin kami," sabi ng mga flirt na babae.






"O' tapos? Nagbabasa lang naman kami a'," Allegory utterred while holding his face.





"Punyeta ka! Sino may sabing gala-," naputol ang sinabi ni Nereca when I interrupted.





"Pring, tama na. Nag-iiyot lang kami ni Allegory sa library e'. Wala naman kaming ginawang masama," inis kong sabi dahil ayaw magpaawat ni Nereca.





"A-ah hi-hindi a'," sigaw ni Allegory na nakapagpapataka sa akin.






Nakita ko ang mga estudyante na nakapaligid sa amin na tumatawa ng malakas.






"May nasabi ba akong mali?" Nagtataka kong tanong habang tumitingin kay Allegory. Patuloy siya sa pag-iwas ng tingin sa akin.





"Diba nag-iyot lang naman tayo sa library Gory?" Sabi ko sa kanya.





"Hindi a'," pag-uulit niya na iniinom ang tubig na dala ng isang kaklase namin.





"Ano bang sinabi sayo ni Allegory?" Nagtatakang tanong ni Nereca.





WAIT FOR ME //University Series #1 Where stories live. Discover now