15

83 0 0
                                    

"La la la la la," masaya akong kumakanta-kanta habang andito kami sa isang bar malapit sa Gagfa.



"Saya natin a'," pagtatanong pa ni Stella sa akin dahilan ng pagtingin ng mga kaibigan kong may nakakakatusok na mga mata.




"Bakit masama ba maging masaya?" Tanong ko na lagpas sa tenga ang mga ngiti.




"Bro," rinig naming may nagsidatingan na mga boys at isa na ang pinakamamahal kong si Allegory.





"Don't drink too much alcohol," nabigla ako ng may lumapit sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi.





"Ayieeeeee, yawaa sa mga buang uy," sabi pa ni Nereca na nandidiri kaming tiningnan.



"Wala kalang lovelife," sabi ni Ailean sa kanya.





"E' kung makapagsalita si Ms. normalite, parang meron," irap na bulyaw ni Nereca kay Ailean.





"Mabuti pang gumaya kayo sa akin," sabi ni Stella na nilunok ang isang bottle ng beer.





"May problema ka Ms. CTU baka malasing ka ha. May sakit ka pa namang halik here halik there," natatawang sabi ni Maria.




Allegory just chuckled on us at bumalik na sa kanyang mga barkada.




"Oh pring bakit di mo nilapitan si Zacchary ngayon, umiinom na siya ng alak oh. Di niya ata dala ang libro niya," natatawang sabi ni Yegi sa kanya.





"Tskkk, ayoko na diyan. Masasaktan lang ako, ang hirap pala pagmaging desperada," lumunok narin siya ng alak.



"Ikaw ba daw sabihan ng babae ng pasil, ano tingin niya sa akin? Bayarang babae? Oo, igat ra ko tan-awon pero di sad tawn ko magpajerjer bisag kinsa no'. Yawa siya!" Nakita naming nasasaktan si Nereca at alam naming ngayon lang siya naging ganito.





"Like dude, I'm fucking virgin, mas virgin patong ari ko kesa sa utak ko. Tang ina mo," sabi ko at hinimas na namin si Nereca dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.






"What happened to her?" Nabigla nalang kami ng may lumapit sa amin at iyon ay si Zacchary.




Napatahimik kami ng biglang tumayo si Nereca at sinampal siya na for sure pag ikaw sinampal sira talaga bungo mo.





"Simula ngayon, di na gyud ko maibog nimo animala ka! Tama nga na magiging lawyer ka, napakajudgemental mo!" Pahikbi niyang sigaw at lumabas sa bar.





"Una na kami sa inyo, napainom ng marami si Nereca e'," pagpapaalam ko pa kay Allegory.





"Hmm, sige. Call me kung nakauwi kana. Love you," sabi niya at naghug sa akin.



Napayakap narin ako sa kanya at nagbitiw ng napakalaking ngiti.





"Nga pala, susunduin kita bukas, punta tayo SM Seaside," ngiti niyang sabi sa akin at umalis na kami pagkatapos.



Nalungkot ako para sa kaibigan ko pero kinilig narin ako dahil kay Allegory. Panay na ang pagpapakita niya kasi sa akin dahil ayaw niya daw na mahalubilo ako kay Darry.





HAHAHAHA, natatawa lang ako dahil kaibigan niya pa ang pinagselosan niya at saka di naman ako papatol sa Darry na iyon dahil gusto iyon ni Ailean.






"Hello? Napatawag ka? Tapos na ba kayo?" Tanong ko kay Allegory  ng maichat ko na siyang nakarating na ako sa condo ko.





"Uuwi na ako, madaming tao. Amoy alak ang bar," sabi niya sa akin na ang ingay-ingay talaga.






WAIT FOR ME //University Series #1 Where stories live. Discover now