14

77 0 0
                                    

"Ang laki ng bahay niyo wei-wei," sabi ko na nakatulala sa mga chandelier ng bahay nila.


"Mas malaki bahay niyo, baliw," sabi niya at nagsimula na kaming magvideo.



"Wei-wei, landscape ba ang video or portrait?" Tanong ko sa kanya.




Napansin kong hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kinaroroonan niya.





"Skyry, ay sana all. Chatmate? Hoy! May tinatago kaba sa amin? Ang harot niyo a'," agaw ko sa phone ni  Yegi.





"Akin na nga iyan, ok-ok. Please, akin na iyan," sabi niya at inagaw sa akin ang phone.



"So, maglilihim ka sa amin?" Sabi ko.



"O sige na, I mean. Dating set-up na kami ngayon. He told me na he likes me na daw kaya nag-oo nalang ako," sabi niya pa.



"Ay easy to get ang babae?" Inis kong sambit.


"Doon naman patutunguhan namin bakit pa patagalin? Sayang yong counts," ngisi niya pa sa akin.




"E', kayo ni insan? Anong nangyari?" Pagchachange niya ng topic.




"Wala, friends lang naman kami," sabi ko.



"Lakas mo kasi mangfriend zone, sila na ata ulit ng ex niya," sabi ni Yegi na bigla nalang akong napayuko sa mesa.



"Hoy! Anong nangyari sayo? Bigla ka nalang umiyak? Joke lang iyon no'. Akala ko ba di ka affected," nag-aalalang tanong ni Yegi sa akin.



Patuloy parin ako sa paghikbi habang may tinatawagan ata si Wei-wei.



After few minutes, nagulat nalang ako ng may maingay na mga babae sa loob.





"Ano ba daw nangyari?" Sabi ni Nereca.




"Napano ka girl?" Sabi ni Stella sa akin.






"Ang sakit-sakit," 'di ko na mapigilan ang sarili sapagkat may iba na talaga siyang mahal.





"Sabi niya sa akin 'wait for me', e' may relasyon siya sa iba, tapos lagpas 20 naman ako, wala man lang siyang sinabi sa akin. Nagpapakita siya ng motibo pero utak ko lang pala ang may gawa no'n," hikbi kong sabi sa kanila.




Niyakap nalang ako ni Nereca, di natapos ang aming project dahil naubos ang oras sa pagsha-share ng mga lovelife namin.




"Bilis naman nilang makatulog," sabi ko habang tinitingnan ang mga kaibigan ko.


Tinapos ko nalang ang project namin ni wei-wei.



"Wei-wei," biglang may kumatok sa pintuan nila wei-wei dahilan nga pagkatakot ko.



"Tita, wei-wei?" Pag-uulit niya pa kaya, ako na ang nagbukas.




"Teka lang po, anong pong kailangan niyo p—," naputol ko ang sinabi ko nang makita ko ang pagmumukha ni Allegory.



Bigla akong napalunok at 'di ko na pinaabot na magsalita siya, agad 'kong ginising si wei-wei pero ayaw parin niya.


"Oh? Nag-overnight pala kayo dito?" Tanong niya sa akin habang ako pinipigilang sumagot sa kanya.



Nagulat ako ng tumungo siya sa ref nila  wei-wei at kumuha ng beer. Naiinis ako dahil naalala ko na naman ang stories niya.


"How are you?" He broke the silence.




WAIT FOR ME //University Series #1 Where stories live. Discover now