9

87 1 0
                                    

Bakit hindi niya na ako kinukulit? Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mula no'ng kaganapan sa Valentines day, hindi niya na ako kinukulit.




Final na ng second semester parang wala ata siyang imik. I mean, halos magkatabi naman kami ng upuan bakit 'di niya ako pinansin?





"Hoy! Lalim ng iniisip natin diyan Ok ha, anong meron?" Curious na tanong ni Nereca sa akin.





"Hah? Ah, wala hahahah may iniisip lang. Naasign kasi si mama sa Vicente Sotto hospital sa Cebu. Baka lilipat na naman kami ng titirhan after bakasyon," sagot ko kay Nereca na ginawa ko nalang na paliwanag ang sinabi sa akin ni mama.





"What? So, you mean, doon ka rin magcocollege? Oh my Godddddd, ackkkkkkk. Magkikita parin tayo 'don frenny. The best ka talaga. Contact me if nandoon na kayo ha," masayang saad ni Nereca habang nakakunot na naman ang noo kung nakatingin sa kanya.





"Heshhh, KJ naman ng reaction mo sa reaction ko! Well, I will tour you sa Cebu. Punta tayo ng Colon at iligaw kita doon hahahah. Charr joke lang, love kita Ok," dagdag pa niyang sabi sa akin.



"By the way, may away ba kayo ni Allegory? 'Di na kayo nagpapansinan pati noong isang araw? Love quarrel ba?" Tanong niya sa akin.





"Baliw, hindi a'. 'Di naman kami no'. At sino bang may paki kung di niya ako papansinin. Mas mabuti nga iyon, tahimik lang buhay ko," sabi ko at kinain ang dala kong chichirya.





"A', now I know kung bakit 'di ka pinansin 'don. Baka may jowa na and look at them," rinig kong saad ni Nereca habang nakatingin sa likod ko.




Napatingin narin ako at nakita ko si Allegory at Sheena na nag-uusap sa Study Area ng school namin. He was reading a book while Sheena is looking at him.




Napaiwas tingin nalang ako dahil naiinis ako sa aking nakikita. Wala naman akong ginawang masama sa kanya tapos 'di niya ako pinapansin.





"Nakasimangot ka girl, selos ka no'," Nereca teased me.




"Tsk bakit naman ako magseselos, sino ba siya?" Bulyaw kong tugon kay Nereca.





"Diba ikaw yung kafling-fling ni Allegory for those past sem, halos 'di na nga ako lumapit sayo mabigyan ko lang kayo ng time. Para din sa kapakanan ng lovelife mo. At saka, bigla nalang nagbago ang lahat? Ano ba pinag-aawayan niyo? Ship ko pa naman kayo," naiinis niyang batok sa akin.





"Ewan, bigla nalang siyang 'di namamansin no'. Nagulat nga ako," sabi ko at tumayo na.





"Tara na at baka malate pa tayo," sabi ko at lumakad na habang sumunod namam si Nereca sa akin.



"By the way, do you like Allegory? Or do you even have a crush on him?" Tanong niya sa akin na nakapagpapagabag sa aking isipan.




"Bakit naman ako magkakagusto do'n. Hindi no'," iwas kong tingin sa kanya.




"Tumigil ka halata sa diary mo. Nabasa ko last update mo," sabi niya at nakapagpapainis sa akin.




"Pakyu ka! Pakialamera ka! Ano ba naman iyan pring, binasa mo na naman," simangot kong hampas sa kanya.




"Hayss, ewan ko sayo. Buti nga ako ang nakabasa at 'di si Allegory. Nasa desk mo iyon buti 'di pinakialam ni Gory your love yieeeeee," pang-iinis niya pa sa akin.




"Tumahimik ka nga may makakarinig pa sayo eh," nakakunot kong sabi sa kanya.




"Pero, I wonder why he ignored you," Nereca wondered.



WAIT FOR ME //University Series #1 Where stories live. Discover now