CHAPTER 20: HIS FAMILY'S BUSINESS

3.6K 65 1
                                    

"Nasa municipal office ka pa ba?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nasa municipal office ka pa ba?"

Ilang segundong napatitig si Ludwick sa mensaheng ipinadala sa kaniya ni Sadie. Labag man sa kaniyang kalooban, ni-reply-an niya ang kasintahan.

"Yes. Just reading some important papers," pagsisinungaling nito at napatingin sa labas. "Baka hindi rin kita masundo dahil matatagalan ako rito."

Nasa loob ng isang itim na sasakyan si Ludwick at minamaneho ito ng isang lalaking nakaitim na damit. Sa magkabilaang braso naman ng lalaki ay makikita ang tribal art tattoo design. Ang katabi naman nito sa front seat ay naka-tactical vest at may nakapatong na riffle sa dibdib nito.

Samantala, ang long sleeved sky blue polo naman ni Ludwick ay pinaibabawan niya ng isang long black coat na abot hanggang sa kaniyang tuhod. He didn't bother buttoning it and just let the two different sides of the coat to hang, revealing his left knees that was on top of the other.

Suot din ni Ludwick ang kaniyang salamin at ang kaniyang black fedora hat.

Muli namang nag-vibrate ang cellphone ni Ludwick. Nag-reply si Sadie.

"I see."

Napasinghal na lang si Ludwick sa tipid na reply sa kaniya ni Sadie. He didn't make a reply. He turned his phone off and placed it inside one of the pockets of his coat.

Bigla na lang bumagal ang sasakyan kung saan lulan si Ludwick hanggang sa tuluyan na itong huminto.

"Boss, andito na tayo," saad ng lalaking may dalang riffle. Tumango lang naman si Ludwick.

Naunang lumabas ang dalawa at pinagbuksan siya ng pinto. Bago siya tuluyang lumabas, kinuha niya ang cane gun na nakapatong sa katabing upuan. Isa iyong mahabang tungkod kung saan ang pang-itaas nitong bahagi o ang katawan ay isang hand gun. Detachable din iyon.

Kaagad na umalingawngaw ang mga tahol ng aso at ang tunog ng mga kadenang nag-uumpugan. Napatingin naman si Ludwick sa isang pintong gawa sa bakal na tinututukan ng ilaw na nanggagaling sa sakyan. Sobrang dilim ng paligid at kung mapapalingat ka, hindi mo makikita kung ano ang mayroon sa paligid.

Itinukod ni Ludwick ang cane gun sa lupa at pagkaraan ay nagsimula ng maglakad papasok. Bawat hakbang niya ay mas lalong lumalakas ang pagtahol ng mga aso.

Tuluyan nang nakapasok si Ludwick ngunit ganoon pa rin iyon, madilim. Gamit ang kaniyang tungkod, hinampas niya ang malaking pinto at awtomatikong bumukas ang ilaw.

Napaigting siya ng kaniyang panga at nagtagpo ang kaniyang mga kilay nang makitang natutulog ang mga trabahador nito.

Mabilis na gumalaw ang kaniyang mga kamay at hinablot ang hand gun na naroon sa vest ng isa sa mga kasama niya. Bago pa makapag-react ang kasama niya, kaagad na nagpaputok ng baril si Ludwick.

Aligaga at gulat na gulat namang napabangon ang mga trabahador. Akala nila ay na-raid sila ngunit laking gulat nila nang makita si Ludwick.

"Binabayaran kayo nang sobra-sobra para magtrabaho, hindi para matulog!" sigaw ni Ludwick at muli na namang nagpaputok sa baba.

Smitten Mist(Dargan Series 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon