CHAPTER 22: FARAHMINA

3.1K 60 2
                                    

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mabaril si Ludwick

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mabaril si Ludwick. Ni minsan, hindi sinubukang tanungin ni Sadie kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa braso niya. Ayaw niyang makipagdiskusyon at mas mabuting palagpasin na lamang ang nangyari. Ganoon pa man, nakatatak sa isipan ni Sadie ang pagsisinungaling nito.

"Good morning, Miss Elsher."
"Magandang umaga po."

Napangiti na lamang si Sadie sa mga estudyanteng maagang pumasok sa Marasa Restaurant. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya kapag nakikita niya kung gaano ka seryoso ang mga ito sa work immersion nila. Naaalala niya kasi ang sarili niya sa kanila. Ang kaibahan lang, may pagkakataon ang mga estudyanteng iyon pumasok araw-araw, siya, hindi.
Mabilis na naglakbay ang oras nang hindi namamalayan ni Sadie. Napasinghal na lang siya nang mapagtantong hindi pa pala siya nakapaghanda ng ibibigay na pagkain para kay Ludwick.

Nagkausap sila kanina sa pamamagitan ng tawag at sinabi ni Ludwick na sa municipal office siya kakain. Gusto ni Sadie na siya na lang mismo ang maghatid upang masiguro niya na nasa munisipyo lang talaga ito at kakain ito nang marami sa tamang oras.

Nang maihanda na ni Sadie ang dadalhin niya para kay Ludwick, kaagad siyang naglakad palabas. Ngunit, bahagya siyang napaatras at napahinto nang muntikan na siyang mabangga sa isang lalaki — si Don Leandro.

"D-don Leandro," nauutal nitong sabi at pinilit ang sarili na mapangiti.
Sumeryoso naman ang mukha ni Don Leandro at namulsa ito.

"Ano po ang gusto niyong kainin?" tanong ni Sadie at napalunok ito nang hindi kumibo si Don Leandro.
Mayamaya pa'y biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang huminga nang malalim si Don Leandro.

"Wala akong gustong kainin," seryoso nitong sagot. "Baka may lason."

Naiilang na tumawa si Sadie para pagaanin ang atmospera ng paligid. Pero ang totoo, nasaktan siya sinabi ni Don Leandro.

"Kung gano'n, ano po ang sadya niyo?"

"Gusto lang kitang paalalahanan sa mga sinabi ko sa 'yo noon," diretsahang saad ni Don Leandro at napalingon ito sa paligid para tingnan kung sakaling may nakatingin. Nang mapagtantong wala, bahagya nitong inilapit ang mukha kay Sadie. "Layuan mo ang anak ko!" May diin sa bawat salitang binibitiwan ni Don Leandro.

Pakiramdam ni Sadie ay sasabog na siya dahil mas lalo lang bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib. Mahigpit siyang napahawak sa paperbag kung saan nakalagay ang mga pagkain para kay Ludwick. Gusto niya itong itulak palayo sa kaniya o 'di kaya ay sampalin para tigilan siya nito. Ngunit ama ito ni Ludwick. Kung sakaling gawin niya iyon, baka magkagulo na naman ang pamilya nila, at baka mas lalo lang ito magalit sa kaniya.

"Mahal ko po ang anak niyo at ang layuan siya ay hindi ko magagawa. Excuse me," giit ni Sadie saka sinubukan nitong lagpasan si Don Leandro ngunit hinawakan siya nito sa bisig.

"Kung huhuthutan mo lang ang anak ko, sabihin mo sa akin kung magkano ang gusto mo. Ibibigay ko ito agad-agad," bulong sa kaniya ni Don Leandro.

Hindi na nakapagtimpi pa si Sadie at hinawakan niya ang kamay ni Don Leandro na mahigpit na nakahawak sa bisig niya.

Smitten Mist(Dargan Series 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon