How They Met?: A Special Chapter

2.8K 59 5
                                    

Napabuga na lamang si Sadie ng hininga matapos niyang ikandado ang pinto ng kainang pagmamay-ari niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabuga na lamang si Sadie ng hininga matapos niyang ikandado ang pinto ng kainang pagmamay-ari niya. Isang nakapapagod na araw na naman ang natapos para sa kaniya. Mula sa pag-asikaso sa mga order at maging sa pagtulong sa paglinis ng kainan bago magsipag-uwian ang dalawang tagaluto niya at ang tatlo niyang serbidora.

Kanina pa dapat siya umuwi ngunit naantala dahil naging malakas ang pag-ulan kanina. She forgot to bring her umbrella and she had nothing to use against the heavy rain. Staying at the eatery until the rain stopped was a wise decision for her.

Kanina, habang nasa loob siya at pinagmamasdan sa labas ang mga estudyanteng nagsisidaanan habang nakapayong, hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip ng kung ano-ano.

Iniisip niya kung posible kaya maging isang restawrant ang kaniyang karinderya. Ngunit, napapailing na lang siya tuwing iniisip kung saan kukunin ang perang gagamitin para ipaayos ang karinderya. Maliit lang ang nakukuha niya sa negosyo niya dahil may pinapasuwelduhan siya at hindi niya magawang mahalan ang ilang putahe dahil ito na yata ang pinakamalapit na kainan para sa mga estudyante. Naaawa kasi siya sa ibang estudyanteng kakarampot lang ang baon. Isa pa, sa oras na taasan niya ng presyo ang mga pagkain, tiyak na mababawasan ang mga bibili sa kaniya.

Madalas ay tinatawanan niya ang sarili niya dahil mas inuuna niya pa ang maawa sa halip na isipin kung paano kikita ng malaki. Subalit, kahit naman taasan niya ang presyo, hindi niya pa rin makoconvert ang karinderyang ito para maging restawrant. Kailangan niya ng malaking halaga ngunit hindi naman niya gustong umutang lalo na't wala itong kasiguraduhan kung lalago ito o hindi. Gusto niya ring maghanap ng investors ngunit hindi niya alam kung saan, paano, at sino ang hahanapin. She had no idea. All she had was her dream, her ambition.

She combed her hair using her hand and crossed her arms afterwards. Hindi pa naman madilim at sa katunayan nga, hindi pa binubuksan ang streetlights. Naglakad siya palapit sa may kalsada at napatingin sa kaniyang kaliwa para tingnan kung may papalapit na masasakyan.

Sa halip na mapangiti, tila hindi naging maganda ang expresyon ng kaniyang mukha nang makita ang papalapit na sasakyan. Mukhang matatagalan pa siya sa paghihintay.

Ipinukol niya lang ang tingin sa papalapit na sasakyan. Kaagad na umagaw ng atensyon ang sakay nito. Dalawa ang sakay nito ngunit ang nagmamaneho lang ang malinawan niyang nakikita. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng nagmamaneho. Iyon nga lang, 'tila pinabatang bersyon iyon ng namumukhaan niyang tao.

Balak pa sana niyang sundan ng tingin ang sasakyan hanggang sa malagpasan siya nito ngunit napapikit siya at napatakip sa katawan gamit ang dalawang kamay nang tumalsik sa kaniya ang naipong tubig sa may kalsada.

"What?!" sigaw nito saka pinagpagan ang sarili. Wala nang magagawa ang pagpagpag niya dahil tubig ang natapon sa damit niya, hindi alikabok o hindi kaya'y buhangin.

Nang matapos na siyang magpagpag, agad siyang napatingin sa kanan niya sa pag-asang baka huminto ang sasakyan.

"Mga walang—" napahinto siya sa akmang pagsigaw nang makitang may papalapit na lalaki. Nanigas ang buong katawan niya at hindi na niya iyon maigalaw. Tila nakalimutan rin niyang magsalita at ibalik sa normal na laki ang mata niya.

Smitten Mist(Dargan Series 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon