CHAPTER #17

1.3K 45 2
                                    

"Uhhmmm sir?"

Nahihiya at namumula kung bati ko mula sa harapan nito.

"Y-Yaya ang ganda mo"

Tulalang saad nito mula saakin na mas lalong ikinapula ng mukha ko.

"N-Naku kayo talaga sir ahaha puro kayo biro hali nanga po kayo"

Namumulang saad ko mula rito at mabilis na tumakbo palabas ng mansyon at tinungo ang daan papuntang sasakyan na gagamitin namin sapag alis, ramdam ko namang sumunod saakin si sir vallien, normal lang naman ito pero bakit ang lakas ng kabog mula sa loob ng dibdib ko?.

"Saan kayo pupunta?"

Saad ng seryusong boses na nagpatigil saamin sa paglalakad, si ma'am azuna iyon, nagbago narin ang pakikitungo nito saakin simula ng layuan ko si sir val. noon.

"A-Ano po ma'am magsisimba po sana"

Magalang na wika ko at namamawis na sa sobrang kaba kasi baka hindi kami payagan.

"Bakit mo dadalhin ang anak ko sa simbahan?  diba nilalayuan mo siya?, ano para ba mabawasan ang kademonyohan ng anak ko?"

Malamig at sunod sunod na tanong nito mula saakin, hindi ako nakasagot, hindi ko magawang ibuka ang aking bibig, hindi rin makagalaw, yun naba talaga ang tingin niya saakin?, hindi naman ako ganun.

"Stop it mom! niaaway mo si yaya!
Pupunta kami on church, that's it, so please stop"

Iritang saad ni sir val. mula sa kaniyang ina, parang hindi isip bata ito, ibang iba.

"Fine. tss"

Walang buhay na saad ni ma'am azuna at inirapan kaming dalawa, napabuntong hininga nalamang ako at sumakay na mula sa kotse, pumasok narin si sir val. sa loob at boung byahe ay walang imikan o ano paman.

Nang makarating kaming simbahan ay kaagad kaming humanap ng pwesto sa loob na maari naming maupuan, pansin kung halos lahat mg mata ng kababaihan ay natutuk kay sir val. Syempre guwapo ehh.

Umupo kami sa may gitnang bahagi ng simbahan at ng magsimula na ang misa ay mataimtim kaming nakinig at nanalig.

"Maraming pagsubok ang darating sa buhay natin, lagi tayong nagrereklamo, lord bakit ganito, lord bakit ganyan, lord bakit umiiyak nanaman ako, lord bakit ang bigat nanaman ng dibdib ko, lord bakit andami nanaman ng problema ko, lord bakit nasasaktan nanaman ako, lord nananalig naman ako, lord wala naman akong ginawang mali pero bakit ganito?, puro reklamo, puro tanong, MAY PLANO ANG DIYOS PARA SAIYO, Ang dapat mulang gawin ay pagkatiwalaan siya, mahalin siya, bakit di niyo kaya sabihin kesa naman puro reklamo kayo, sabihin niyo, lord ipinagkakatiwala kuna ang lahat sayo, lord alam kung pagsubok lang ito, hindi man ako makapasa sa exam mo lord alam kung may mas maganda kapang plano, lord I TRUST YOU"

Mahabang lintaya ng pari mula saaming harapan, parang may kung anong ginhawa sa loob ang naramdaman ko.

Pinagmasdan ko ang lalaking nasa tabi ko, nakakunot ang noo nito at inosenteng pinagmamasadan at pinakikinggan ang paring nagsasalita mula saaming harapan.

Napangiti nalamang ako, hanggang sa matapos ang misa ay hindi mawala wala ang mga ngiti ko, ang gaan sa pakiramdam, sobrang gaan.

Bumaling ang paningin ko sa guwapong isip bata na nakangiti habang tumatakbo patungo sa isang ale na nagtitinda ng mga laruan.

Nakangiti ko itong hinabol, kahit sobrang layo niya, kahit sobrang taas niya, hahabulin ko siya, aakyatin ko siya, kasi siya yung nagiisang taong saakin ay nagpapasaya.

I trust you lord.
Kayo napo ang bahala, tatanggapin ko ang lahat ng walang pagrereklamo o ano paman, ibinibigay kuna at ipinagkakatiwala kuna po sayo lahat, kayo napo ang bahalang magmaneho ng buhay ko.

To be continued....

-Red Black.

Loving You - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon