Chapter 4 Closure

40 4 0
                                    

Pumunta na si X sa counter upang kumuha ng mga pagkain namin. Ininterview naman ako nitong mga kasama ko kaya parang nasa TWBA ako, naks lakas maka artista.

"Paano kayo nagkakilala ni Xamder ?" Mapanuring Tanong ni Andrea. Hmm, parang my something sa tanong nya.

" Sa ano-" pabitin kong sagot upang may thrill, bwehehe

"Sa?" Gusto nya talagang malaman ha.

"Sa bar" pabiro kong sagot

"Anong ginawa nyo doon?" Paranoid nyang tanong. Hahaha nakakatawa yung mukha nya, parang girlfriend na niloko ng boyfriend, parang iiyak na nga eh.

"Nag ano-" hahhahahahah parang sasabog na yata ang mukha nya.

"Hey, B ano naman yang mga pinagsasabi mo?" Kalmang tanong ni X na kararating lang

"Ah tinatanong lang nila kung paano tayo nagkakakilala" sabi ko

"Ahhh, so alam na nila?" Tanong nya kaya tumango ako. Heheh di mo lang alam ang mga sinabi ko

"TOTOO!?" sabay na tanong nilang tatlo, Oo tatlo lang dahil tanging bored na tingin lang ang iginawad ni Nate saKIN??

"Ang alin?" tanong ni X na medyo nagulat sa reaksyon ng tatlo

"Na nagkita kayo sa bar atsaka nag ano?!" Takang tanong ni Andrea, na mukhang iiyak na ano mang oras

"WHAT?! B!!" Sigaw ni X kaya medyo napabaling ang tingin ng ibang estudyante samin. Tch, mga chismosa

"HAHAHAHAHHAHAHAHAH" Tumawa ako ng todo dahil mukhang nainis si X

"Tch, baliw" alam nyo kung sino nag sabi? Edi si Nate na walang modo,tch nangingialam ang pucha

"Sinong baliw?" Tanong ko sa kanya na may inis

"Ikaw, sino pa ba?" Tanong nya sakin na nakangisi. Pero shuta pare, ang gwapo nya pag ngumisi.

"T-tch, bahala ka dyan." Tanging sabi ko

"Teka, teka, teka. B, bakit mo sinabing sa bar tayo nagkita at nag ano?" Inis na tanong ni X

"Ahhh ahhahahah kasi ang sarap nyang asarin kasi para syang girlfriend na nagseselos,
Teka girlfriend mo ba sya?" Tanong ko kay X at saka kay Andrea

"A-ah hindi ko sya boyfriend, friends lang kami. Diba Xan?" Sagot ni Andrea at tiningnan ko naman si X na medyo nahilaw yung mukha.

"Ah, oo friends lang kami" sabi nya at sakto namang dumating na yung pagkain namin

"Kain na tayo" sabi nilang dalawa, at take note sabay talaga.

"Ok" sabi ko nalang dahil gutom narin ako

"Sus!, na friendzone" pabulong na singhal Chip. Siniko naman sya ni Nate.

"Tch, kumain ka na nga lang Chip. Loko ka talaga!. Baka magkaaminan sila ng wala sa oras" ngising sumbat ni Nate. Marunong pala syang magsalita ng mataas taas? Baka talkative talaga tong isang to.

" Tss, just shut up you two!" Singhal ni X, tch! Guilty

Kaya nanahimik nalang kami at kumain. Masarap ang ulam nila ha. Ang sakin ay adobo na manok, vegetable salad, at kanin na may drinks na tubig lang, ganon rin kang Nate, tch! Nangupya, walang originality!
Samantalang sina Chip at Andrea naman ay puro gulay, as in wala talagang karne! Grabe nahiya naman ako sa pang tatlohan kong servings sa adobong manok ko. Oo,pangtatlohan talaga kasi ganon ako katakaw. Si Zin naman ay ramen at kaunting kanin, mukhang nagdiet sila,except kay X na puno ng pork chop at adobong manok ang plato nya, di ko na nga makita ang kanin nya eh.

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now