Chapter 7 Together

31 2 0
                                    

Patungo kami ngayon sa rooftop gaya ng sabi nya, at ngayon nakahawak parin sya sa kamay ko, para namang nagwawala yung puso ko sa sitwasyon namin. Aaminin ko, nitong mga nakaraang araw ay di ako kumportable kasi di ako sanay na di sya kausapin, ngunit sadyang grabe ang ego ko at nakayanan kong iwasan sya.

Sa kakaisip ko ay di ko nalang namalayan na nandito na pala kami sa rooftop.

" Hey Nate, kung ano man tong trip mo please wag mo kong idamay," pairap kong sabi sa kanya, hinarap nya naman ako at laking gulat ko nang nakita kong bigla na lang tumulo yung luha nya.

"H-hey Nate what's wrong hmm?" Mahinahon kong Tanong sa kanya dahil di ako sanay na makita syang ganito. Pero laking gulat ko ng imbes na sagutin nya yung Tanong ko ay bigla nya nalang akong niyakap, kaya niyakap ko rin sya.

"Sorry,sorry,sorry baby kung may nagawa man akong mali please wag kanang magalit, di ko kayang iwasan mo ko ng ganito katagal so sorry baby, patawarin mo ko" sabi nya sabay iyak, pero teka baby?

" Nate, why are you calling me baby?, Kasi sa pagkakaalam ko di nako sanggol" sabi ko sa kanya. Ngumisi naman sya ng mahina. Damang-dama ko ang hininga nya sa leeg ko at higpit ng pagkayakap nya mula sa beywang ko.

" Briar, can you be my star and can I be your moon so that we'll light up the dark skies together?"

" Huh?"

" Can I court you Briar Snow Smith?" Teka, nasamid ata ako sa sarili kong laway sa sinabi nyang yun e.

" Ako liligawan mo?" Tanong ko sa kanya sabay turo saking sarili, para sure naman diba at para di rin ako maging assuming

"Tch, is there other Briar Snow Smith here?" Tugon nya na mukhang nainip kasi sinabayan nya ng pag-irap

"Eh aba malay ko ba" pabala kong sagot sa kanya at inirapan din sya, sige mag-iirapan tayo dito at tingnan natin kung sino ang unang titirik ang mata.

pero teka may mali ata sa iniisip kong titirik ah. Tch tch tch

"Look" sabi nya at hinawakan ang dalawa kong balikat upang iharap sa kanya." I like you Briar, No, scratch that I fucking Love you Baby" sabi nya " So pwede bang maging girlfriend kita o maging boyfriend mo ko?"
Teka, wala namang pinagkaiba sa maging sagot ko dun a,.

"Teka nga, bakit kailangan ba kitang sagutin ngayon agad?" Tanong ko sa kanya, "Aba di ka manlang ba manligaw?!" Sita ko sa kanya, ano sya gold?

" Fine, so will you let me court you?" Tanong nya

" Teka pag-isipan ko" sabi ko at aaktong nag-iisip.

" Sige, papayagan kitang ligawan ako ngunit satin lang to, dapat di nila malalaman" sabi ko sa kanya

" Sinong sila?" Tanong nya ng may pagtataka

" Yung mga kaibigan natin" sabi ko

" Why?" Aba andaming Tanong

" Basta ayoko"

" Fine, I will court you without them knowing. Pero paano pag napansin nila" Tanong nya

" Edi aaminin, basta hindi natin sasabihin na nililigawan mo ako at hayaan nalang silang makatuklas. Para may thrill, hehehehe"

" Your crazy" sabi nya

" Pero gusto mo naman"

" Nope, di kita gusto dahil mahal kita." Pagtatama nya. Enebe kinikilig eke

" Hey, are you still with me?" Tanong nya sakin

" Yeah, iniisip ko lang yung sinabi mo sakin kanina na ililibre mo ko, di ko yun nakalimotan, so ano na?" Panunumbat ko sa kanya. "Isipin mo nalang na ito yung first step mo sa panliligaw sakin" sabi ko sa kanya at kinindatan sya.

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now