Chapter 15

26 3 0
                                    


Briar's Pov

" You know what? Siguro I should kick that person's ass out from this school. Or pwede ko namang bugbogin and put him into a deep coma" Hayyss, alam nyo kung sino 'to?. Well, ang boyfriend ko lang naman yan na kanina pa nag-iisip ng agenda kung paano nya pabagsakin yung MC kanina. Kasi nga daw, nirereto neto ako sa iba e sinabi na nga daw na may boyfriend na'ko.

" Or should I just kill that person?" Sabi nya at tumigil sa paghihiwa ng steak nya. Yass, nasa canteen kami ngayon at nag-lunch at simula nung matapos ang kaganapan kanina sa gymnasium ay di na talaga sya nauubusan ng paraan para nga dun sa plano nya sa MC. Kunti nalang talaga ay iisipin kong trip nya yun e.

" Seriously Nate?" Di makapaniwalang saad ni X na natatawa. " You'll think of killing that person just because your jealous? Unbelievable"

"Shhh, wag kang ganyan Xands. Di mo pa ma-feel ang nararamdaman namin ni Nate lalo na't kung magselos kami dahil wala ka pa kasing jowa kaya, di ka maka-relate. Hahahahah" pang-iinis ni Chip

" Ouch! Truth really hurts " pagsakay ko rin sa pang-iinis ni Chip. Natawa naman ang uban naming kasama dahil sa mukhang constipated na mukha ni X

" Sige lang, dadating din ang panahon na ako naman ang mang-iinis sa inyo" naiinis na saad ni X. Hinawakan naman sya ni Nate sa balikat na mukhang kinu-console sya.

" Wag kang mag-alala Xandy-" panimula ni Nate na mukhang nagpipigil lang ng tawa

" Hayys, buti pa itong si Nate. Mabait" sabi ni X na mukhang naniwala sa sinabi ni Nate o sinasakyan lang siguro ang kagagohang ginawa sa kanya ng mga kaibigan nyang lalaki.

" Alam ko Xands, kaya pataposin mo muna ako sa sasabihin ko" sabi nya ng may seryosong tono. Tangina, saan kaya papunta itong usapang to.

"Sige sige" tumatango-tangong saad ni X. Hmp! Uto-uto ang gago. Tiningnan ko naman ang mga babae kong kaibigan na ngayon ay timing nalang ang inantay upang sasabog sa tawa

" Ang sasabihin ko ay ganito, makinig ka ha?. Wag kang mag-alala dahil maghihintay kami kung kailan ka makaganti ng pang-iinis samin, dahil mataas naman siguro ang pasensya namin. Pero alalahanin mo rin X, tumatanda kana at wala ka ring girlfriend. Plano mo bang maging tigang sa habang buhay? Kung hindi, hanap ka na ng sa'yo. Kita mo yun? Una, may girlfriend kana. Pangalawa, maka-relate kana saming may ka-couple. Pangatlo, uhm ano, di kana maging SINGLE. At pang-huli, di na kami magdududa na bakla ka" sabi nya saka tuluyan ng sumabog sa kakatawa, ganun na din kami. Si Chip ay may pahampas-hampas pa sa mesa. Kaming tatlo naman ni Andrea at Zin ay nakahawak na sa tyan namin kakatawa. At yun si X, Inis na tiningnan si Nate na ngayon ay grabe tumawa.

" Seriously? I really don't know kung paano ko kayo naging kaibigan" bagot na saad ni X saka nagpatuloy nalang sa pagkain. Natigil naman kami sa kakatawa dahil sa pagod at sakit ng tyan namin sa kakatawa.

" Hahahah ikaw naman o di mabiro" saad ni Nate saka bumalik sa pagkain. Pero ganun nalang ang gulat namin habang kuamkain kami nang may pigurang na1katayo sa table namin

" Ahem" seryosong saad nito. Tangina, mukhang alam ko na kung kaninong boses to. Tiningnan ko naman si X, at mukhang iisa lang ang nasa isip namin kung sino ito kahit hindi pa namin ito tiningnan.

" Anong kailangan mo Mr. HERNANDEZ" may diing saad ni  Nate na ngayon mahigpit ang pagkahawak sa kutsara at tinidor nya. Tangina! Sabi ko na nga ba. Binaba ko naman ang hawak kong utensils at saka nag-angat ng tingin doon sa taong kararating lang, yun din naman ang ginawa ng iba naming kasamahan sa lamesa kahit si X na mukhang natatae sa kaba.

" Can I somewhat share a table with you" sabi nya at tiningnan ako, dahil sa gulat ay di ako nakaiwas ng tingin hanggang sa may humarang na kamay sa mga mata ko

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now