Chapter 10 Caught

36 4 0
                                    

"Goodmorning!" Sigaw ko ng makapasok ako sa room namin. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na may iba na nagulat at ang iba naman ay takang tumingin sa'kin. Binalewala ko nalang sila at saka dumiretso sa upuan ko. Nagtataka naman akong tiningnan ng mga kaibigan ko kaya nginitian ko nalang sila, ngiting kita ang gilagid.

" Ang saya mo ata ngayon B" sabi ni X na nakataas ang kilay

" Yeah it seems like you've got extra energy for today" puna naman ni Andrea. Nakataas din ang kilay, tiningnan ko naman si Nate at nginisihan ako nito

"Morning" bati sa'kin ni Nate

"Good Morning sa'yo Natey" sabi ko sa kanya at napangisi naman sya. Pagbaling ko sa mga kaibigan namin ay naningkit ang mga mata nila at nakataas din ang kilay

" Iba ka talaga ngayon Briar" sabi naman ni Chip

" Yeah Chip's right" puna naman ni Zin

" B, what makes you so hype?" Kuryusong Tanong sa'kin ni X

"May naghiwalay kasing mag-jowa at desurv" sabi ko at tumawa, noong una ay parang di na gets ni X pero kalaunan ay naintindihan nya rin, at nakitawa

" Mind to share?" Tanong ni Nate

" Sinong naghiwalay?" Tanong ni Chip

" Yung ex mo ba at yung bago nya?" Tanong naman ni Andrea. Nilingon ko naman si Nate and only to find out na nakakunot ang noo at taimtim akong tinitigan.

" Anong ex?! Eh wala nga akong pake doon e." Sabi ko at sinulyapan si Nate na nakatingin sa'kin pero di na nakakunot ang noo.

" E sino?" Curious na Tanong ni Zin

" Yung kapatid ko at yung girlfriend niyang kulang nalang maghubad dahil sa kinulang na damit at kapal ng make-up sa mukha" nakaismid na sabi ko

" Awws, di naman masyadong halata na di mo sya gusto noh?" Sarcastic na turan ni Andrea

" Hhahah hindi nya gusto, aba't pag yung babaeng yun nagpunta sa bahay nila ay palagi nga nyang tatayaran.

" E sa di ko sya gusto para sa kuya ko e. Kailangan pa palang masampal pa ako ni kuya bago sila maghiwalay" irita kong sabi

" Sinampal ka niya B?!" Gulat na Tanong ni X

"Paulit-ulit tayo X?" Inis kong Tanong ni X. " Kasasabi lang e".

" What? Di kasi ako makapaniwala, they consider you as their princess lalo na yung kuya mo, pero sinampal ka niya? " Usisa ni X, tiningnan ko naman naman yung mga kasamahan namin at taimtim lang silang nakikinig, si Nate naman ay ginawaran ako ng malambot na ngiti.

" Oo nga sabi, kasi nakita ko yung impakta na may kalandiang iba, kulang nalang magsex sa tabi ng kalsada. Kaya ayon nilapitan ko at sinampal at sinumbong kay kuya, pero ang gago, mas naniwala pa sa girlfriend nya at di pinakinggan ang sinabi ko at sinampal ako. " Kwento ko

" Is that the reason why you came here? " Tanong ni X

" Yeah, di ko pa kasi kayang harapin si kuya dahil sa ginawa nya, you see, I really didn't expect it for him to hurt me though" kibit balikat kong sabi

" Nah, it's okay B. Siguro along nagsisi na yun. At siguro ay nakatanggap na iyon ng suntok sa isa mo pang kuya. Mahal na mahal ka kaya nun" sabi nya.

Dumating na yung prof namin kaya umayos na kami ng upo. Naramdaman ko namang hinawakan ni Nate ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nilingon ko sya at nginitian, at pinaglaruan ang mga daliri nyang nakawak sa kamay ko. Nakita ko namang lumingon si X saamin at tiningnan ang mga kamay naming magkawak, ngumisi lang sya at saka itinuon pabalik ang atensyon doon sa prof namin. Alam kong alam na ni X na may namamagitan samin ni Nate, at alam ko rin na hahayaan nya na kami mismo ni Nate ang magsabi sa mga kaibigan namin. X always consider my desicions, kahit nung mga bata kami. He's a type of person that listen to both sides.

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now