Chapter 8

1.6K 89 14
                                    

~AT HOME

Nang makauwi na sila ay hinayaan lang si Pacifica ng mga body guard's na buhatin lahat ng paper bags na pinamili nila kanina. Pakiramdam niya tuloy , kahit nilibre siya ni Irene, may kaakibat naman iyong paghihirap! Hindi parin libre pero pwede na.Minsan lang sa tanang buhay niya siya magkakaroon ng gano'n kamamahal at kagagandang mga gamit. 

Saglit na tumigil si Irene pero dahil hindi makita ni Pacifica ang dinadaanan niya dahil natatabunan ng paper bags ang mukha niya, hindi niya napansin si Irene kaya ang ending, nabunggo siya sa likoran ni Irene.

"Ouch!" reklamo ni Irene.

"Nako po!" ani ni Pacifica saka napahilamos sa kaniyang mukha dahil sa nagkandahulog na naman na mga paper bags. Maghihirap na naman siyang pulutin ang mga iyon isa-isa. "Kalbaryo ba itong pinasok ko?" ika niya sa sarili niya.

"Sino ba ang nagsabi sa'yong dalhin mo'yan lahat ng sabay?Are you even using your little brain?" sarcastic na sabi ni Irene.

Oo nga naman,Pacifica? Sino ba ang nagsabing pagsabay-sabayin mo'yang lahat? Si Wonder woman ka ba?

Napa-pout na lamang si Pacifica at hindi na sumagot kay Irene. Mahirap na,hindi na naman siya makapreno ng dila niya. Matiyaga niya na lamang na pinulot ang mga iyon.

"Tskk" tanging nasabi ni Irene saka dumeretso ng lakad papasok.

Napa-roll eyes si Pacifica sa kahanginan. Nanggigigil siya dahil ni isa sa mga body guards ng amo niya ay walang tumulong sa kaniya. Pakiramdam niya ay nagsiakyatan ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Wala na bang gentleman sa panahon ngayon?" parinig niya.

__________________________________________________

WARNING: RATED SPG 18+

~KWARTO NI IRENE

Sa wakas ay nakarating si Pacifica sa kwarto ni Irene dala ang pinamili ng amo para sa sarili nito at sa kanya. Halos mapaupo siya nang makita ang sitwasyon ng kwarto ni Irene.

"Tao ba ang dumaan dito, o delubyo?" aniya sa kawalan. Hindi niya napansin na nasa likoran lamang niya si Irene at tahimik siyang pinagmamasdan.

"Lord, give me strength!" aniya pa sabay na pinagdikit ang palad na nagdasal.

Natatawa lang si Irene sa likoran habang nakatingin kay Pacifica. "She's so cute" sabi niya sa kaniyang isip.

"Maglinis ka na" Irene said.

Napalingon si Pacifica sa pinanggalingan ng boses. Si Irene ang nagsalita. Sinamaan niya ito ng tingin pero agad rin itong binawi ang masasamang titig niya at pinalitan ng pagpapa-cute. Baka maparusahan na naman siya ng di oras.

"Oo nga, Ma'am ano?" sarkastiko niyang sabi kasabay ng paniningkit ng kaniyang mata. Ibinagsal niya ang mga paper bags sa sahig.

"What the!Be careful with my things.Mas mahal pa sa buhay mo yan!" sigaw ni Irene.

"Ay sorry, Ma'am ha" sarkastiko muling tugon ni Pacifica dahilan para magsi-akyatan lahat ng dugo ni Irene sa katawan dahil sa inis.

"Are you being sarcastic,Pacifica?" ani nito habang palapit nang palapit kay Pacifica. Napaatras naman si Pacifica doon at biglang natahimik.

"Pipe ka naman ngayon" muling tanong ni Irene.

"H-hindi a-ah" nauutal nitong sagot. Napasandal na siya sa pader at wala nang maatrasan pa.Sinandal ni Irene ang kamay niya sa pader dahilan para ma-corner nito si Pacifica.

Napalunok si Pacifica ng dahil sa kaba. Natatakot siya. Kung anu-ano ang naglalaro sa isipan niya. Hahalikan ba siya nito ulit? Hindi naman siya nangangat ng labi niya sa mga oras na iyon.

Her Personal MaidΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα