Chapter 73

453 21 0
                                    

Naging matunog ang pangalan ni Pacifica simula nang manalo siya sa contest na isinagawa ng Elisse and Company para makahanap ng bago nilang magiging miyembro sa organisasyon. Kabi-kabila rin ang ginagawa niyang pagmi-make up sa mga sikat at kilalang personalidad sa Belgium. Naging mabilis ang pagkilala sa kanya. Kumalat rin ang balita sa iba't ibang parte ng mundo through the social media platforms. Wala pa sa isang buwan simula nang maging kasapi siya ng Elisse and Company pero marami na siyang naging ipon. Naging malapit sa kanya ang kasikatan. Mas hinimok kasi siya ng Elisse and Company para maging magaling. Akalain mong wala pang isang buwan ay marami nang gustong gusto ang gawa ng kanyang kamay.

Mag-three weeks din siya sa Belgium before she flew back to Taiwan. Anyway, she is already carrying with her an identification card that she is from Elisse and Company. At, sino mang gustong mag-hire sa kanya saan mang panig ng mundo ay tiyak na mabibigyan niya ng magandang serbisyo sa maganda ring halaga.

Good thing, dala niya ang pangalan ng Elisse and Company na kilala sa buong mundo sa larangan ng pagmi-make up.

Mr.Taocute

I am at the airport, Mr. Tao. Are you still waiting for me?

message ni Pacifica kay Mr. Tao Kalalapag lang ng eroplano nila. She is wearing a furry sweat shirt na ipinares niya sa kanyang leather pencil cut skirt na may slit sa may legs which she paired on her boots.

Her hair flows as she is walking out of the airport dahil sa hindi niya mahagilap si Mr. Tao.

From: Mr.Taocute

I am outside, Pacifica. Come out.

Nakangiti at excited siyang lumabas. Para silipin ang kaibigan niya na na-miss niya noong mga linggong wala siya sa Taiwan.

Pagkalabas niya ng airport ay yakap agad ang
ibinungad niya rito. Mahigpit na mahigpit, na parang hindi na kakawala pa.

"I missed you, Pacifica."

Sasagot pa sana ang dalag nang biglang napaismid si Ma'am Lad. Nariyan pala siya at kasama ni Mr. Tao.

"Ehem."

Namula bigla si Pacifica nang magsalita si Ma'am Lad. Naku! Sa sobrang miss napayakap pa talaga ang dalawa.

"Hehe, nandito ka pala, Ma'am Lad!"

Napataas ng kilay ang matanda. "Ako ba, hindi mo na-miss?" Pang-aasar nito.

Ngumisi si Pacifica bilang tugon. "Yieee? Ikaw pa ba? Siyempre miss kita!" Mabilis niya itong niyakap.

"Welcome back, Pacifica. Congrats!" anito sa kanya habang nasa pagitan ng kanilang yakapan.

"So, let's go? Alam ko napagod ka sa biyahe mo.
Magpa-dorm ka muna nang makapagpahinga ka." Singit ni Mr. Tao.

***

Inihas ng dalaga ang kanyang luggage sa gilid saka nagbukas ng kanyang cell phone. Excited siyang contact-in ulit sina Dawn at Ava dahil matagal rin bago ang huli nilang matinong pag-uusap.

She opened her messenger and started a video call. Gumawa na lang siya ng group para sa kanilang tatlo para mabilis niyang ma-contact ang mga ito sa isang tawagan lang. Umaga pa naman kaya for sure, medyo hindi pa busy si Ava ngayon. Gabi kasi siya buhay na buhay dahil may trabaho siya sa bar.

After several rings, at last, sumagot na rin ang dalawa. Sabay pa talaga ang mga ito.

"Sh*t! I-Ikaw ba talaga 'yan? P-Pacifca?! Is that really you?!"

Napahagalpak ng tawa ang dalaga. Ang awkward kasing mag-english ni Ava, para siyang taga bundok.

"Baby! I missed you!" Bungad ni Dawn sa screen ng kanyang cell phone.

Her Personal MaidWhere stories live. Discover now