Chapter 21

1.2K 67 22
                                    


The next morning, Pacifica felt better. Naigagalaw na niya ng mabuti ang katawan. She felt light now. Siguro ay tumalab naman ang mga gamot na ibinigay sa kaniya ni Irene. Hindi parin maiwasang sumama ang kaniyang loob dahil sa ginawa ni Irene kahapon. Wala na tuloy siyang cellphone na ngayon para magamit. Importante pa man din 'yon sa kaniya dahil ultimo iyon lamang ang naipundar niya sa paghihirap niya sa pagta-trabaho sa bilang bilang waitress. Halos lahat kasi, napupunta sa malupit niyang tiyahin.

Tumayo siya muli sa pagkakahiga at kinuha ang kaniyang basag basag na cellphone sa sahig. Napapikit siya habang nararamdaman ang pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi.

Pacifica: Ang sama mo, Irene

Kung gaano niya kagustong maniwala na may kabutihang itinatago si Irene, gano'n rin ito kino-kontrol ang iniisip at paniniwala ni Pacifica sa kaniya. Kung kailan naman pakiramdam niya ang nagkakalapit na sila. Ngayon pa ito nangyari.

Napaiyak nalang siya habang pinupulot ang cellphone niya.

Pumasok si Aling Sela sa kwarto na may dalang break fast.

Aling Sela: Hija, ako na riyan, inutusan ako ni Ma'am Irene na linisin ang kwarto mo. Magpahinga ka na dahil kagagaling mo pa lang sa lagnat.

Plastikadang ngumiti si Pacifica.

Pacifica: Hindi na po, Aling Sela kaya ko na po ito. Personal maid naman niya ako kaya nga ito ang ginagawa niya sa akin.

Aling Sela: Maupo ka na nga. Ano ba ang nangyari?

Bumuntong hininga si Pacifica. Gusto niyang magkwento pero hindi na makapagsalita ang bibig niya tungkol dito. What for? Tapos na iyon. Nasaktan na siya. Ayaw na niyang balik balikan pa.

Pacifica: Wala po Manang.

Aling Sela: Ang sabi ni Ma'am Irene, pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot, puntahan mo raw siya sa baba at may pupuntahan kayo.

Kumunot ang noo ni Pacifica. Pupuntahan? Wala naman silang pinag-usapan.

Pacifica: P-po? Bakit daw po? Kagagaling ko lang, pakisabi nalang po sa kaniya na hindi po ako sasama. Baka mabinat ako.

Aling Sela: E, iba ang awra niya ngayon. Ang mabuti pa, ikaw na ang kumausap sa kaniya at mapag-usapan niyo iyan ng masinsinan *Ngumiti si Aling Sela sa kaniya saka hinagod ang likod niya.

Pacifica: Ayaw ko po talaga *umiwas ng tingin si Pacifica.

Aling Sela: Mas lalo iyong mag-aasal dinosaur. Cge na, kumain kana at uminom ng gamot nang tuluyan ka ng gumaling. Maiwan na muna kita dahil marami pa akong naiwang trabaho sa kusina. *Lumabas na ng kwarto.

Pacifica: What is she planning do this time? Ni hindi nga niya alam kung magaling na ba talaga ako o kung may lagnat pa tapos sasabihin niyang aalis kami? Okay lang ba siya? *Pagwewelga niya sa sarili niya.

Ilang minuto pa siyang pabalik balik na naglalakad sa kwarto niya at pinag-iisipan mung pupuntahan ba niya si Irene sa baba o hindi na. Naalala niya na personal maid nga lang pala siya.
It's her duty to follow and obey Irene kaya wala na siyang nagawa kundi puntahan nalang ito. Medyo okay na din naman siya kaya kinaya na niya.

Pagkababa niya, tinuro agad ng isang maid sa pool area kung nasaan si Irene. Nag-alangan pa siyang puntahan ito. Mamaya sa galit nito, maitulak pa siya sa pool.

Pacifica: Erase, erase, erase. Hindi naman niya siguro gagawin iyon.

Nadatnan niyang nagbabasa ng libro si Irene. Nakasuot lang ito ng puting swimsuit.

Her Personal MaidWhere stories live. Discover now