Chapter 3

357 16 12
                                    

“Ayaw ko.” Mabilis ang naging pag-iling ko.  Mica rolled her eyes.

“You were the one who came up with that silly stunt tapos ayaw mo?”

“Then I will do it again! Basta huwag si Neus.” Paliit nang paliit ang aking tinig.

“Bakit naman huwag? Mabuti nga ‘yon eh. Nang masanay ka sa presensiya niya. Hindi ‘yang lagi kang natataranta kapag nakakaharap mo siya,” she argued.

“Tsaka, akala ko ba, ibang Angelique ang tinutukoy niya ro’n sa sulat?” Shania reminded me.

“That was just my assumption. Hindi ako sigurado.”

“Oh, eh ‘di klaruhin mo kapag nakausap mo na siya.”

For the first time in my high school life, I wanted to stomp my feet and act like a brat.

Ayaw kong kausapin si Neus. I don’t like his effect on me. He ruins my composure.

“Just think of this as a practice. Para masanay mo ang sarili mo sa presensya niya. And come to think of it, Neus is quite popular all over the campus. Maraming babae ang curious na makasagap kahit kaunting impormasyon tungkol sa kaniya. Ikaw as a feature writer, you tend to feature people with great achievements, right? Neus is a different case. Ito na ‘yong unique story na hinahanap mo,” Mica tried to put some sense in me.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi kapagkuwan ay tumingin sa sahig. Then, I switched my gaze inside our classroom kung saan nakita ko si Neus na abala sa pagbabasa ng libro.

“Sige na,” pagpupumilit ni Mica. “Mukha namang mabait si Neus. Besides, you will be doing a favor to a lot of girls in this school kapag nagustuhan ‘yan ng SPA niyo at nilagay sa school news. Malay mo, ‘di ka na niya pasalihin sa on-the-spot writing. Pasok ka na kaagad.”

Kaya ko ba? Kaya ko bang kausapin siya nang hindi natataranta?

“Bawal ang biased sa journalists, ‘di ba? That means bawal mag-inarte. Siya na ang i-feature mo.”

I sighed. “Pa’no kapag umayaw siya?”

“Eh ‘di do’n tayo maghanap ng iba.”

Nananantyang tinitigan ko ang dalawa bago ako dahan-dahang tumango.

“Okay. I’ll try.”

“Angelique, pakisuyo naman. Please distribute these to your classmates,” utos sa ‘kin ni Ma’am sabay abot ng mga test papers.

Napaaga ang exams namin sa subject niya dahil ilang linggo raw siyang mawawala for emergency purposes. Kabilang na roon ang araw ng exam namin.

Pipi akong tumango saka isa-isang binigyan ang mga kaklase ko.

The closer I get to the back, the louder the beat of my heart gets.

I figured to talk to Neus as early as possible para mabilis ding matapos at maipasa ko na kay Miss ang article.

If only I don’t keep my words, hindi talaga siya ang pipiliin ko.

Sanay akong makipag-usap sa mga tao kahit ‘di ko kakilala. I know how to handle a conversation smoothly and to make the person I’m talking to comfortable. I know how to take on challenges and face them head-on. I take risks. I think thoroughly.

But when it comes to Neus, everything turns 180 degrees.

Pasimple akong huminga ng malalim habang isa-isang iniaabot ang mga papel sa last row. Tahimik na inabot ni Neus ang papel nang hindi ako tinitingnan. Lumunok ako bago nagsalita.

“Neus—”

“Bro, nakapag-review ka?”

Naitikom ko ang bibig nang maunahan akong magsalita ng lalaking katabi niya.

Bygone Memories of Yesterday (Affliction Series #2) ✔Where stories live. Discover now