Chapter 10

262 13 1
                                    

I was striding the hallway alone when I started hearing gossips. 

“Uy, si Angelique!”

Akmang babatiin ako ng lalaking nakapansin nang hilahin siya ng kasama nito. 

“’Wag mong pormahan ‘yan, namimili ng lalaki ‘yan. Sila Luca nga tinanggihan, eh. Ikaw pa kaya?”

I stopped walking meters past them and subtly look at them over my shoulder. Unang beses kong makarinig ng chismis na hindi si Neus ang nadawit sa ‘kin kundi si Luca. 

That made me think. Hindi kaya, matagal ng may ganoon at ngayon ko lang napapansin? Noon kasi, nalalaman ko ang mga ganitong usapan dahil kay Mica. Maybe this is the reality, hindi gaya noong nai-imagine ko dati. Maybe lots of students disliked me even before, hindi ko lang napapansin. Ngayon ko lang nakita dahil extra conscious ako pagdating kay Neus. Baka normal na sa mga tao ang pag-usapan ako. 

Natauhan ako nang makarinig ng pamilyar na boses.

“Ano naman kung tanggihan siya ni Angelique? She has the right to do so lalo na kung wala naman siyang gusto sa taong ‘yon. Hindi choosy ang tawag do’n. It’s called preservation. She know her worth and she know what she deserves.”

Natahimik ang dalawa kaya naman binalingan ako ni Luca. Our eyes met. 

“Hey, Anj,” bati niya sa ‘kin habang naglalakad papalapit. 

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon, Luca.”

“You know I don’t like it when someone talks about you. Lalo na kung hindi maganda.” He smiled. 

“Madalas bang may nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa ‘kin?” I asked curiously. 

“Yep.” Tumango siya. “But I’m sure hindi mo sila napapansin kasi abala ka sa pag-aaral.”

So I was right. 

“Ngayon, napapansin ko na.”

“That’s good.” Napalingon ako nang marinig ang kumento niya. 

“Good? Hindi ba, mas okay kung hindi ko alam?”

“Anj, mas okay na alam mo at hindi ka nagpapaapekto kaysa hindi mo nga alam, pero kapag narinig mo na ay lubha kang maaapektuhan. Look at you.” He pointed his finger at me. “You were clueless about people talking behind your back since then kaya ngayong aware ka na, apektadong-apektado ka.”

Ngumiwi ako. “Halata ba?”

“Yes. Or maybe ... hindi lang ito dahil sa bashers mo.” He quoted in the air at the mention of “bashers”. 

Napaiwas ako ng tingin dahil tama siya. It’s not just about the gossips and rumors, it’s about someone too. 

Natigil ako sa pagkakatulala nang may tumapik sa balikat ko. 

“Kapag may kailangan ka ... advice, companion, a helping hand — anything at all, I’m just one chat away.” He winked playfully. 

I smiled. Actually, Luca is not that bad. May mga times nga lang na masyado siyang mahangin. 

“Thank you, Luca.”

“Anytime.” He saluted as he walked backwards and went in a different direction. 

Inayos ko ang pagkakahawak sa mga libro at wala sa sariling napatingin sa harap. I surprised to see Neus and he’s looking at me darkly. 

My heart throbbed. It’s been a long time since he looked at me with such intenseness. Yumuko ako at dali-daling pumasok sa classroom. 

Bygone Memories of Yesterday (Affliction Series #2) ✔Where stories live. Discover now