Chapter 13

257 12 1
                                    

“Anak, you need to undergo biopsy—”

“No! Ayoko, Mommy!” pagkontra ko pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. Hinarap ko sila.

“Kailangan mo ‘yon, Angelique,” Daddy said calmly.

I shook my head. “No. I don’t need anything. Kaya lang ako nagkakaganito ay dahil masyado kong pinapagod ang sarili ko. Nothing serious.” Tumango ako para kumbinsihin sila — at ang sarili ko.

Paano ako magkakaroon ng meningioma? I am a healthy person! Wala akong bisyo, I take care of my body well, and my life is productive. How can I have such disease?

“Nakita nating lahat ang MRI, Angelique.” Napaangat ako ng tingin kay Mommy nang pumiyok siya. I looked at her and saw both pity and sympathy in her eyes.

“Don’t look at me like that, Mom. There must be something wrong with the test. Pa’no ako magkakaroon ng meningioma?”

“Hindi raw malinaw ang causes ng meningioma. The doctor said it may be due to exposure to radiation, a genetic disorder—”

“Wala ako ng mga ‘yon—”

“Or previous injury in the head.”

Natigilan ako.

“A recent study may have failed to confirm it, but I just can’t ignore what he said.” Sumeryoso lalo ang mukha ni Dad. “You had a car accident with your cousin when you were ten, remember?”

Wala sa sarili akong napahawak sa parte ng ulo kung saan ako nagkaroon ng fracture. Malala ang aksidenteng iyon at sabi ng mga doktor ay himalang nakaligtas ang batang gaya ko. My parents and I considered it as a miracle. Pero ngayon, kung totoo ngang iyon ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng sakit ... then this is not a miracle.

A brain tumor ... Pagak akong natawa. Sana pala namatay na lang ako noon kung magkakaroon lang din naman ako ng ganitong sakit. Nothing will change. I’d still die.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi lang ako niyakap ni Mommy. Almost immediately, sari-saring emosyon ang lumukob sa pagkatao ko.

“G-Gusto ko pa kayong makasama. Ang mga kaibigan ko, ang boyfriend ko ... I d-don’t wanna d-die,” I cried.

“Shh. You’re not gonna die, honey. Hindi ba, sabi ng doktor, meningiomas are commonly benign? As many as ninety percent are not cancerous. Gagaling ka, okay? Huwag kang magsasalita ng ganiyan,” pagpapatahan sa ‘kin ni Mommy kahit na umiiyak din siya.

Dad approached us and caressed my hair.

“We will do everything para gumaling ka. Mawala na sa ‘min ang lahat, ‘wag lang ikaw, anak. But all our efforts will be put into waste if you won’t help yourself. We need your cooperation. Tatagan mo ang loob mo. I know it’s heartbreaking pero kailangan nating magpakatatag. We will get through this — you will get through this.” 

My parents immediately scheduled a biopsy to determine the current state of the tumor in head. Kinakabahan ako at natatakot.

What if something happens during the surgery? What if the result is not what we expected? What if it’s malignant? Will I still live?

MY PARENTS told me not to think too much but I couldn’t help it. Isa pa sa mga iniisip ko ay kung paano ito sasabihin sa mga kaibigan — lalo na kay Neus.

He will be devastated, that’s for sure. But I don’t want him to worry. Gusto kong itago sa kaniya — sa kanila ang estado ng kalusugan ko. Ayaw kong malaman nila na may sakit ako. Not now where everything seems to be perfect. I still want to cherish the moments.

Bygone Memories of Yesterday (Affliction Series #2) ✔Where stories live. Discover now