One-Shot #1: Confide

23 7 2
                                    

I attempted to caress her upper arm, subalit humakbang siya papalikod; umiiling, namumula ang mga mata. Ilang araw na siyang ganito, umiiwas, mailap, ngunit sa ibang tao nama'y hindi. Bumaba sa hangin ang kamay ko't kumuyom, mga litid ay hindi nagpaawat sa paglantad. Nahuli kong hahawakan niya sana ito, pinili niya nga lamang na umurong.

Ako dapat ang takbuhan niya sa lahat ng problema pero parang ako iyong problema na gusto niyang takasan. Sa mga nakalipas, panay ang hula ko sa kahulugan ng mga ipinapadama niya. Hindi ko matukoy kung alin doon ang tama at kung alin doon ang mali.

Nang mag-angat ako ng paningin, ang bagyo sa sistema ko'y agarang naglaho; tears trickled down her apple cheeks. Nasundan pa iyon nang nasundan... Ano mang kagat niya sa labi niya'y kumawala na ang mga hikbi.

Itinago niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtungo. Nabasa ko naman ang sarili kong labi. Napatingala ako't mariing napapikit. Sa paghilab ng hiwa sa'king dibdib, siya namang pag-igting ng aking panga. I opened my eyes, and tears began to escape.

I stepped forward. "Nandito lang ako. You can always... you can always confide with me."

Lumakas lang lalo ang napakapangit na musika. Sinubukan ko ulit na ibangon sa hangin ang kamay ko. Itinikom ko ito sandali para alisin ang panginginig. Nang makabawi, pinalis ko ang likidong naglalandas sa kanyang pisngi.

Nabunot nang kauntian ang patalim sa'king dibdib dahil sa hindi niya paglayo. Nabuhayan ako ng pag-asa kahit papaano.

Hinawi ko ang mga takas niyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga. Basa iyon ng luha't pawis. Mistula siyang babasaging baso na hindi ko maaaring bitawan. Slowly, I lifted her chin. "Tell me. What's wrong?"

Linggo, buwan at taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin kung bakit niya ako binitawan, kung bakit hindi niya tinupad ang mga pangako niya, kung kailan siya nagsimulang manlamig at kung anong dahilan ng panlalamig na iyon.

I love her. I really do, up until now, pero ipagpapatuloy ko pa ba hanggang dulo?

Look how contented and satisfied she is with her life now — mga mata'y sumisingkit dahil sa labis na paghagikhik, karga-karga ang batang kanyang kasing-hawig.

One-offTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon