chapter 1 - kick out

38.6K 690 15
                                    

Chapter 1

"Save yourself. Run away. I can take care of myself. RUN!"

"I cant just leave you here, you need me."

I felt my feet ran away. I ran away from that guy who is bleeding. I ran away. Far. So far that I cant run any longer. I'm tired.

I woke up feeling so restless. Napapahid ako sa noo ko at talagang pinagpawisan ako. Wew! What a bad dream. Nakakainis naman na panaginip na yun. Umupo muna ako sa kama ko to catch my breath at nang ayos na ang paghinga ko ay humiga ulit ako. Wala akong balak na pumasok sa school ngayon eh. Lagi lang naman akong pinagtri-tripan sa school. Ang dami ko kasing kaaway.

Syempre naman, kapag inaaway ako, gumaganti rin naman ako. That's highschool life. Mga isip bata pa talaga kami. Itutuloy ko na sana ang pagtulog ko pero biglang may kumatok nang pagkalakas lakas. pwede na siyang gamiting alarm clock ko para gumising. tsk.

"Hoy Tricia! Pwede ba lumabas ka na diyan. Kanina pa kita hinihintay. Asan na ang renta mo nang bahay. Ilang buwan ka nang hindi nakakabayad. Aba! Hindi pwede yan!" sigaw ni Ate Miranda na landlord ko. Napapikit ako nang mariin dahil sa sigaw niya. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakabayad ng renta.

"Hi Ate Miranda Magandang umaga. Ah pwede ba humingi nang konting palugit pa? Hindi pa kasi ako nagsweldo eh." sabi ko. Inirapan naman niya ako.

"Ilang beses mo na sinabi yan. Bibigyan kita nang isang linggo. Pag hindi ka pa nagbayad, mag impake ka na." sabi niya.

"Naku maraming salamat po." sabi ko. Inirapan naman niya ako.

"At bakit ka hindi pa nagbibihis. Male-late ka na sa pasok mo. hala! Bilis!" sigaw niya at umalis na. No choice kundi nag ayos na lang ako at papasok na lang ng school.

Si Ate Miaranda, mabait naman yan, pero masungit nga lang. Alam niyo na, matandang dalaga kase. Hahahaha.

Habang papasok na ako sa school, pinakita ko pa muna yung ID ko kay manong guard. Pero nabigla ako ng hindi niya ako papasukin.

"Bakit ba kuya? Late na ako oh!"

"Eh kasi naman, yang ID mo, hindi naman yan totoo eh." reklamo niya. Napatingin naman ako sa ID ko bigla. Nayayamot kong nilakumos yung ID na napalitan ng Card board tapos mukha ko na inedit pa. Tama naman yung pangalang nakalagay.

TRICIA AKIYAMA 

Ang kaso nga lang may hashtag pa sa baba na #pangitakopromise . Nakakainis talaga! Sino ba naman ang hindi kasi gaganti sa mga yun. Grrrr! Bullies!

"Hay naku! Sige na nga pumasok ka na. Mukhang pinagtritripan ka na naman ng mga kaklase mo. Kilala ka naman na namin eh." sabi ni manong guard kaya nagpasalamat na lang ako at nagmamadaling pumasok.

Hindi pa ako nakakalayo masyado sa gate nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko, ay si bestfriend pala!

"Relax! Hinga hinga rin." sabi ko kay Kayla dahil hinihingal pa siya dahil sa pagtakbo niya. 

"Oh ano, okay ka na?" tanong ko at ayun na nga, nagsalita narin.

"Pinapatawag ka sa office. Please dont tell me it's all about the trouble you got into the other day? And as for that, you might get suspended or more worse is get kicked out." napatanga naman ako sa kanya. Nabigla ako eh.

"Wow Kayla , improving ang English mo teh! With matching accent pa yun ah!" amazed na sabi ko. Kumunot naman ang noo niya saka ako hinampas.

"Ano ka ba! Didnt you hear what i just said. You might get kicked out. Tapos yung pag-english ko pa ang napansin mo?" sabi pa niya.

Nakakagulat lang kasi. Si Kayla kasi ay isang transfer student kaya ko siya nililigtas at ayun nga nadamay na ako sa pambubully nila. Mukha kasing nerd si Kayla pero maganda parin naman siya para sakin. Gusto ko nga sana siyang i-make over, kaso nga lang pamasahe ko nga kulang pa eh. Saka nagsinungaling ako kay Ate Miranda na hindi pa ako swinelduhan kaya hindi ako nakapagbayad ng renta. Ang totoo niyan ay wala na akong trabaho. Nasisante ako eh.

"Huwag ka nga kasi magpanick. Eh kung makick out ako, maghahanap ako ng bagong school. DUH!"

"You shouldnt have involved yourself when you saw me get bullied." malungkot na sabi niya kaya tinapik ko naman ang balikat niya.

"Ang pangit mo kasi umiyak. Nakakairita sa mata kaya pinatigil ko lang." saka ko siya kinindatan. Napatawa naman siya.

"Ikaw talaga. Mahirap ba aminin na gusto mo ako tulungan. Pero huwag kang mag alala. If you ever get kicked out, I can recommend a school for you. Full scholarship so you dont have to worry about the tuition and stuffs." napangiti naman ako. 

"Alam mo, hindi ako nag sisi na sinali ko ang sarili ko sa gulo mo. Mabait ka naman. Pwede nang pagtyagaan. Hahaha." tawa ko kaya tumawa na lang rin siya.

Sabay na kaming naglakad papunta sa office. 

Satan's Daughter (Editing)Where stories live. Discover now