chapter 52 (part two)

12.4K 244 28
                                    

Chapter 52 (part two)  

"Please, give me another chance Akira. Gusto kong itama lahat ng mga pagkakamali ko. Even if it will take forever for you to forgive me, it's ok, at least I get to spend my forever proving my love for you." 

Nag iwas ako ng tingin. Here is TJ, asking for forgiveness. Ito yung lalaking mahal na mahal ko nun, na handa akong layuan siya para lang maprotektahan siya. 

Na siya ring dahilan kung bakit ko nakilala ng lubos si Cloud. Pero siya ring dahilan kung bakit siya nawala. 

Ang relasyon namin ni TJ, hindi umabot kahit isang buwan lang. Siguro isang linggo mahigit. Yung tipong hindi ganun na typical love story ng iba jan.

Kung sila naghihiwalay dahil sa third party, kami iba. Pero kahit kakaiba yun , kahit sa ganung kaikling oras lang, naramdaman kong mahal niya ako. But come to think of it, kung pano kabilis naging kami ganun kabilis na nawala ito. Wala na eh. Wala na. 

"I can't promise anything TJ. Mahirap. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik ang dati na meron tayo." 

Nakita kong lumungkot ang hitsura niya.  

"Hanggang ngayon ba si Cloud parin?" Nag iwas ako ng tingin. Ayokong sagutin . 

"Ano Akira? Siya parin ba?" 

"Huwag ka nang magtanong TJ. Baka masaktan ka lang." 

"Ahhh. So siya parin... Bakit Akira? Parang ang bilis naman ata? Panong siya?" 

Nainis ako sa sinabi niya. Anong gusto niyang iparating? 

Satan's Daughter (Editing)Where stories live. Discover now