chapter 51 (part two)

11.5K 218 19
                                    

Chapter 51 (part two)

Bigla akong hinila ng lalaki papunta sa madilim na lugar. Walang katao tao. Haynaku!

'Tsk tsk, wrong move'

"What do you need?" Bored na tanong ko.

"Ibigay mo sakin yang bag mo. Lahat ng gamit mo. Pati yang relo mo."

"Manghoholdap ka na nga lang, mag isa ka pa?"

"Eh ano bang pakialam mo?!"

"Ahh, ano nga bang pakialam ko? Tsk. Anong rason mo para mangholdap? Dahil trip mo? Sabihin mo sakin, tutulungan kita, kaya pakawalan mo ako bago kita masaktan."

Naramdaman ko ang takot niya. Tsk, akala ko mapapasabak ako, eh manghoholdap lang naman toh. Tsk.

"m-may sakit ang asawa ko. Kelangan ko ng pera. Kaya ibigay mo sakin yan kung ayaw mong butasin kita!"

"Makasigaw ka ah. Hindi ako bingi! Ang lapit ng bunganga mo makasigaw parang anlayo."

"Kasalanan ko ba na may sakit ang asawa mo? Pano pag ikaw ang nadale sa ginagawa mo? Makulong ka pa. Tsk. Di nalang kase magtrabaho."

"Eh ano ba pakialam mo?"

Satan's Daughter (Editing)Where stories live. Discover now