chapter 36 - Fun

12.8K 282 14
                                    

Chapter 36 - Fun

"Ok ka na ba? Baka makasama na naman sa sugat mo yan." Inaalalayan ako ni Cloud sa hagdan kulang na lang eh buhatin na ako pababa.

"Ok nga lang ako. Ok na rin naman na yung sugat ko. Naghihilom na. " sabi ko. "Buhatin nalang kaya kita?"

Tinignan ko sya ng masama. "Hindi ako paralisado. Kaya kong maglakad." Wala na syang nagawa kundi alalayan ako.

Yung apat na yun kase, gusto raw magswimming. Excited masyado eh wala pang tubig sa pool. Kaya ayun, kinakargahan nila.

"Oh? Bakit ganyan nalang ang alalay ng isang yan sayo? Haha." Tawa ni manang Nelia. "Hindi ko nga rin po alam eh. OA ah."

"Haha. Hindi maikakaila na bagay kayo." Sabi nya at umalis para dalhin yung meryenda dun sa apat.

Nagblush naman ako. Tinignan ko si Cloud, sobrang pula nya. "Hahahahaha." Tawa ka. Nataranta sya kaya bigla nyang tinapat ang malaking palad nya sa mukha ko.

"Aaahhh!!" Sabay alis sa kamay nya sa mukha ko. Kinagat ko kase. Natakpan na yung buong mukha ko eh. Hindi ako makahinga.

"Bakit mo ako kinagat?" Sabay tingin sa palad nya. Nginisihan ko lang sya.

"I thought something happened. Nagkakagatan lang pala kayow." Sabi ni Seb. Natawa nalang ako sa tagalog nya. Alam nila at naiintindihan nila, but namimilipit lang ang dila nila eh.

Satan's Daughter (Editing)Where stories live. Discover now