Chapter Five

206 8 0
                                    

Chapter Five

I've decided to dye my hair for today and pamper myself. Kasama ko si Divina para naman hindi ako magmukhang lonely.

"Bakit bagay sayo iyong kulay?"

Hinaplos ko ang buhok ko, I ended up with color gray, hindi ko pa nga makita na bagay sa akin. For a change, hindi naman strict sa loob ng university kaya okay lang na mag fashion color ako. I paid for it after and faced Divina. Natutuwa din sya sa maikli nyang buhok.

"San tayo after?"

"Samgyup. Noon isang araw pa ako nagke-crave." Aniya.

Humawak sya sa braso ko habang nag hahanap kami ng Samgyupsalan. Noong may nakita kami, mabilis akong hinila ni Divina papasok doon. We settled in the middle, sumasayaw pa ako sa kpop music ngayon. Lalo lang ako ginanahan noong blackpink na yung nakasalang.

"Nagtext si Sir, asan daw tayo?"

"Asan ba sya?"

"Around lang daw ng sm aura."

Tumango ako at nagsimula nang magsalang ng karne sa grilling pan. Sinayaw sayaw ko ang ulo ko kaya natawa si Divina. Habang naghihintay nagcheck ako ng cellphone ko, nanliit pa iyong mata ko sa nakitang notification sa instagram.

@moraldeatom followed you back

So, he knows how to open his social media? Inugat na to ah. Hindi ko naman ugaling mang stalk, pero napunta ako sa profile nya. May isa syang ig story, I click it. Kumunot pa ang noo ko nang matanta na nasa sm aura lang din sya.

Wala sa sariling napaangat ang tingin ko at nakita sya sa hindi kalayuan. Naputol lang ang pagtitig ko nang pumasok si Oliver sa samgyupsalan. Umupo sya agad sa tabi ko.

"What you're up to, Sir?" Tanong ni Divina sa kanya.

Tumawag sya ng waiter para humingi ng extrang plate.

"I'm bored."

Divina flipped the meat. "Wala ka namang ginagawang..."

"I'm okay, ate. I'm just bored."

Hinaplos nya ang buhok ko. "You dyed your hair? Bagay sayo."

"Ang ganda ko no, Sir?"

He just nodded. I made a face and started eating. Madaming tinatanong si Divina kay Sir, well she's just asking about his health. May anxiety kasi si Oliver. At sa amin lang sya naglalabas ng sama ng loob nya.

"Salamat sa treat, Sir. Hindi ko aakalain." Sabi ko sa kanya habang papalabas kami ng samgyupsalan.

"Lagi ko naman kayo nililibre." Kibit balikat nya pa.

Nag uli uli pa kami bago kami hinatid ni Oliver sa mga bahay namin. Inuna nya si Divina na ibaba sa bahay nito, niyakap ko si Div at lumipat sa unahan.

"Sir, ang pagdadrive."

Kumindat lang si Oliver sa kanya. I waved at her. Nagkalikot ako sa stereo ni Oliver doon habang bumibiyahe kami.

"Sure kang okay ka?"

"Yeah,"

Tinitigan ko sya. "Kungsabagay, nagsasabi ka naman kung hindi."

"Silly, Carmela. I'm fine, okay."

Tumango nalang ako at tinuro sa kanya ang way ng apartment ko. Nagsalubong ang kilay nya.

"Pinalayas ka ba ni Tito Agosto?"

"Of course not! Gusto ko lang maramdaman ang buhay ng independent."

"Ganda ganda ng buhay mo."

"Minsan, nakakasawa din." Sagot ko. "Ayan! Liko ka sa kanto dali!"

Caramel's Macchiato (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon