Chapter Seventeen

187 11 0
                                    

Chapter Seventeen


Ang landi mo Carmela! Sabi mo rerendahan mo ang sarili mo?! Sabi mo crush lang at ayaw mong pumasok sa mundo ni Atom pero bakit nagpapasok ka? What the!

Pumasok ako sa driving lesson ko ng maaga kinakabukasan. Hindi ko na hinintay na umalis si Atom, for sure bago ako makauwi mamaya. Nakaalis na sya.

I don't know how to face him after we had sex. It was supposed to be a goodbye kiss, but...

"Carmela, you need to focus."

"I'm sorry."

Nasabon pa ako ng trainor ko, kaya nagpaalam nalang ako agad. Pumunta ako sa Vencili Venili but Uno's out with the Head Nurse. Bumisita ako sa Z Furniture and saw Papa there. He asked for a lunch out, pumayag ako.

Madaming sinasabi si Papa sa akin pero lumilipad ang utak ko.

On how Atom move above me, how he moaned. How I gripped on him... How the fuck!

"Anak."

"Po?" Napatayo pa ako.

"Are you okay? You were spacing out?"

Pakiramdam ko namula ang magkabilang pisngi ko sa mga pinag iisip ko. Only to think na kaharap ko lang si Papa.

"I'm okay, Pa." Sabi ko. "About what are you saying?"

"After your graduation?"

Tumango ako at sinagot naman ang tinatanong nya. Pagkatapos namin kumain, bumalik na si Papa sa trabaho nya. Wala naman akong gagawin kaya naisipan kong umuwi nalang. I brought some coffee also.

Napasobra ang sipsip ko nang mahagip ko si Atom na nakasuot ng plain white shirt at isang cotton short. He's carrying some trash bag outside. Nagtama ang mata namin, akala ko ba nakaalis na sya?

Ang bilis kong tumalikod sa kanya kaya lang nabangga ko iyong basurahan.

"Carmela?"

Oh great.

I readied my smile and faced him.

"Hi." I exaggeratedly said. "You're still here?"

Nilagay nya muna iyong basura na dala nya sa basurahan bago humarap sa akin. Muntik pa akong masamid ng laway ko.

"Change of plans. Atom will stay in Laguna for the meantime."

Napalunok ako ng marahas. So ibig sabihin?

"And I'll stay here."

"Ah? T-that's great." I don't even know what to say.

"You have class?"

"Driving lesson."

He nodded curtly. "How did it go?"

"Ahm, same." Alangan kong sagot.

Umiwas ako ng tingin at tinuro ang apartment ko.

"I need to go up. Need to wash up." Ngiti ko pa.

"Paakyat na din ako."

Wala akong nagawa kundi ang sumabay sa lakad nya. Iyong akala kong hindi ko na sya makikita dito pero nagkamali ako. Bakit naman??

No one dares to speak between us about what happened last night. I can't seem to open it up also, for what? It was just a spur of the moment? I guess. Sa sobrang space out ko ata, doon na naman ako natapat sa pinto nya. He held my shoulder and faced me at my door. Napatikhim sya at lumayo.

"Sorry talaga! Maybe I should change my door color?"

"It's alright."

Pinasok ko agad ang susi sa doorknob at binuksan. Sinarado ko iyon agad bago pa sya may masabi. Halos hindi ko na malunok iyong kapeng ininom ko dahil sa nangyari.

Caramel's Macchiato (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon