Chapter Twelve

146 6 0
                                    

Chapter Twelve

I spotted Atom on our usual table inside the Home Gallery. I waved at him and ordered ny caramel macchiato.

"What's up?"

Suplado nya akong tinignan.

"School works."

"Given. Graduating ka." Kibit balikat ko pa.

"Wala kang klase?"

"Mamaya pa uli, 1pm. Nasa tambayan sila at ayokong makigulo ngayon." Nagscroll na ako sa ipad ko.

He just nodded and continue what his doing on his laptop. Nag advance reading nalang din ako at sa sunod na subject ay may mga garded recitation. Inabot ko ang tasa ng kape ko at sumimsim bago ko nakita na lumapit si Ryanne sa amin.

Muntik na akong masamid nang sa harapan ko pa sila naghalikan bilang batian. Ngumiwi ako.

"Hi Carms." Hinalikan naman nya ako sa pisngi.

"Hi."

"I hope you don't mind guys, alam ko namang study buddy kayo pero pasingit ha."

"No worries." Hilaw na ngiti.

Hinawakan nya ang kamay ni Atom, Atom smiled ang started to talk to her. I just smiled and faced my ipad.

I never thought this would be awkward. Mas sanay kasi akong sinamaan ng tingin ng mga nagiging girlfriend ni Atom before. But since this is Ryanne, a friend... mas awkward. Na hindi ko alam kung bakit. Maybe because I had this small crush over Atom and I kissed him before.

Pero hindi ko sasabihin kay Ryanne! Tahimik ang buhay ko, ayaw ko ng gulo. I know how to respect. I kissed Atom before they got into their relationship.

"You need to analyze this first...."

Tumango si Ryanne sa inexplain ni Atom sa kanya. Inubos ko nalang ang kape ko, I saw Atom glance at me. Nagpunas ako ng tissue at tumikhim.

"I need to go, may dadaanan pa pala ako sa library." I gathered my things and stood up.

"Okay. Minsan bond tayo, Carms! Kulayan na natin ang mga drawing."

I nodded. "Sure, let me know when you're free."

Kumaway na ako at mabilis na tumalikod. Pagbukas ko ng pinto ng Home Gallery, nabangga ko si Lee. Natawa sya at sinalo ang baywang ko.

"Hi!" Exaggerated na bati ko tuloy.

"Hey, I was looking for you."

"Really? I mean, you didn't text me."

"Dumaan ako sa tambayan nyo, sabi nila baka nandito ka."

Humawak ako sa braso nya at hinila nalang sya papalayo doon. Nagtataka na tumingin sya sa akin.

"Ah, pupunta ako sa library." Sabi ko. "May klase ka ba?"

"Walang prof. Samahan na kita."

We entered the library, may one hour pa ako para sa sunod na klase. Naiilang na kasi ako magstay doon sa Home Gallery kaya umalis na ako.

I flipped the pages on my ipad when I spotted Lee's stares. He smiled.

"Okay ka lang? Sorry, I was reading."

"Okay na akong pinapanuod ka."

I pouted. "Cheesy."

"Hindi ba dapat?"

Pinisil ko ang pisngi nya. Hinagilap nya iyon at hinawakan.

"Why do I feel like I always miss you." Bulong nya.

Caramel's Macchiato (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon