CHAPTER 4

51K 1.2K 51
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains mature content.


Third Person Point of View:


"Mateo, please! Tama na, nasasaktan na ako... Ahh! Ple-please, Ma-teo. Iti-gil mo na ito!" Pagmamakaawa ng isang dalaga sa kaniyang asawa na patuloy parin siyang hinahampas ng sinturon.



"AHHHHH!" Muling napahiyaw ng malakas ang dalaga ng sikmurahin siya ng kaniyang asawa at galit na galit ito.

"MASAKIT? MAS LALO KANG MASASAKTAN KUNG PATULOY KANG MAG-IINGAY JAN! JUST TAKE MY PUNISHMENT TO YOU, MY SLUT WIFE." And he slapped his wife. Walang tigil ang pag-bagsak ng mga luha ng dalaga. Masakit ang buong katawan niya dahil sa parusa ng kaniyang asawa kagahapon at ngayon ay umuwi itong galit nanaman at siya nanaman ang pagbubuntongan ng kaniyang galit. Walang araw na hindi ito umuwi na galit na galit galing sa trabaho.



Wala naman siyang linabag sa mga utos ng kaniyang asawa, basta't umuuwi na lamang itong mainit ang ulo at paparusahan siya.



Pinilit ni Maxima, na magpakatatag para sa kaniyang sarili at para narin sa kaniyang asawa, mag-aapat na taon na silang kasal at kasabay ng pananakit ng kaniyang asawa na si Mateo, sa kaniya.


Mahal niya ang kaniyang asawa, mahal na mahal kaya hindi nito makayang iwan, kahit pa sinasaktan na siya physically, emotionally, and mentally. Hindi parin ito sumusuko sa binata at umaasang makikita ng kaniyang asawa na si Mateo, ang halaga niya at mahalin ito pabalik.



Walang araw na hindi umiyak ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ginagawa ito sa kaniya ng kaniyang asawa. Kung bakit pinilit pa siya nitong pakasalan kung sasaktan rin lang naman siya ng binata. Hindi pa nakawala ang mga masasakit na salita ng kaniyang asawa tungkol sa kaniya na wala namang katotohanan.


Slut and whore, iyan lang madalas itawag ng kaniyang asawa sa kaniya. Na maduming babae ang kaniyang asawa at nakikipag talik sa kung sino-sino man, kahit ang totoo ay birhen parin ang dalaga. Ni minsan man ay walang nangyari sa kanila ng kaniyang asawa dahil maduming babae daw siya, lahat ng masasakit na salita ng lalaki sa kaniya at tinatanggap niya at napapatawad ang kaniyang walang puso na asawa.


Minsan lang ito makalabas ng kanilang bahay, kung maaga mang umuwi ang kaniyang asawa galing sa trabaho at hindi ito naabutan na nasa kanilang tahanan ay iniisip ng binata na nanglalaki ang kaniyang asawa, kahit pa pumunta lang naman ito sa kaniyang mga kaibigan, magulang, o sa mall.


Maraming pasa ang dalaga, dahil sa natatamo nitong parusa galing sa demonyo niyang asawa, kapag siya ay lalabas o bibisita sa kaniyang magulang ay pilit niyang tinatakpan ang kaniyang mga pasa gamit ang make up, o kaya naman kapag may sugat, o pasa ito sa kaniyang katawan ay mahahabang damit ang kaniyang sinusuot.


Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon