CHAPTER 29

22.9K 459 187
                                    

Maxima's Point of View:

Mabilis akong lumabas sa sasakyan ni Kuya at tumakbo ako palapit sa building na patuloy paring nasusunog. May limang bombero ang nandito at may ambulansya narin.

Nakita ko naman na papalapit na sila kuya sa 'kin at nasa likuran niya ang magulang nila Mateo, at si Katherine, ay meron rin. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Anong nangyari?" Tanong ni Tito Mason, sa isang pulis.

"Magandang gabi po, Sir---"

"Walang maganda sa gabi. Now, tell me what happened?" Seryosong sabi nito.

"Pasensya na po, Sir, pero bigla na lamang sumabog itong building, ang cctv dito sa labas ay sira rin." Paliwang nito sa 'min. Patuloy parin ako sa pagtingin sa may building.

Gusto kung pumasok sa loob, pero pinipigilan nila ako dahil delikado daw. Gusto ko lang naman makasigurado na ligtas si Mateo.

"Wala ba kayong ibang cctv dito?" Tanong naman ni Kuya Devon.

"Ma'am, bawal po talaga. Hayaan niyo nalang po na mawala ang apoy---"

"Let me go, gusto ko lang makita kung okay si Mateo. Mateoooooooo!" Malakas na sigaw ko.

"Bitawan mo ako..." malakas na sigaw ko sa kanila at pilit kumakawala sa kanila.

Napatigil ako at tila nanghina dahil nakita kung may lumabas na mga firefighter at nurse na galing sa loob. May bitbit silang mga nakabalot sa puting tela.

Malakas ang tibok ng puso ko at nanghihina ako sa nakikita. Sana hindi si Mateo, iyon. Marami ang mga bitbit nila. Ngayon ko lang napansin na wala narin ang apoy.

"Ma-mateo!"

Tumakbo ako ng mabilis at lumapit sa mga bangkay na nasa lapag at nakabalot ng puting tela. Akmang titignan ko na ito, pero pinigilan nila ako.

"Ma'am, hindi niyo na po makikilala ang mga bangkay dahil lahat sila ay nasunog, kahit ang ibang pulis ay patay narin po." Sabi ng isang nurse.

Mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi niya.

"La-lahat sila na-sunog? No, bawiin mo ang mga sinabi mo." Malakas na sigaw ko sa kaniya at bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo na ako ngayon sa lapag.

"BAWIIN MO ANG SINABI MO, HINDI PWEDENG PATAY NA SI MATEO, HINDI NIYA AKO IIWAN. HINDI NIYA KAMI IIWAN. BA-WIIN MO ANG SI-SINANABI MO, PARANG-AWA MO NA." Patuloy lamang ang bagsak nang mga luha ko sa aking mata.

"I'm sorry---"

"WALANG MAGAGAWA IYANG SORRY MO. MATEO! HINDI PWEDE, MATEO, PLEASE LUMABAS KA NA JAN. MATEO NAMAN. PLEASE, HUWAG NIYO AKONG BINIBIRO. KUYA, NAGBIBIRO LANG NAMAN SILA DIBA?"

Napailing naman si Kuya at mas lalo akong nanghina. Hindi pwede.




Third Person Point of View:

Patuloy lamang sa pag-iyak si Maxima, at halos wala na itong paki alam sa mga taong nakakakita sa kaniya ngayon, kahit nagwawala siya.

Hindi naman sila nakakatulong, hindi nila alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon at mas lalo lamang nabasag at nadurog ang puso niya dahil sa sinabi ng nurse kanina.

Hindi niya alam kung ligtas ba o buhay ba si Mateo, dahil sinabi rin kanina na lahat ay nasunog at patay. Gusto niyang tignan ang lahat ng bangkay na nasunog na pero ipinagbabawal naman na makita niya. Paano niya malalaman kung buhay ba o patay si Mateo, kung ayaw naman nila na ipakita sa kaniya isa-isa sa mga bangkay na nakahilata dito.

Her Cruel Husband (COMPLETED || EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon