Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 5

168K 2.4K 105
                                    

Inaayos ko ang kurtina sa glass door nang may kumatok sa pinto kaya nilingon ko 'yon. "It's open."

Pumasok si Mom at dumiretso sa kama ko kaya naupo ako sa tabi niya. "Hey, Mom. What's wrong?"

"Is it true? Renzo agreed?"

Hindi niya pa alam dahil kay Daddy ko pa lang nasasabi ang usapan namin ni Renzo kanina. Pagkatapos kasi no'n, nilunod ko na ang sarili ko sa trabaho para hindi ko siya masyadong maisip.

"Yes, Mom. Isang buwan lang naman. We made an agreement without Dad knowing."

"That?"

"That I'll file an annulment a month after. I read the contract and the prenup and it says there na ako lang ang pwedeng makipaghiwalay so it's up to me. Idadahilan ko na lang kay Dad na hindi na ako masaya kaya gusto ko nang makipaghiwalay. Please don't tell him, okay?"

Mom looked at me like she just heard the dumbest plan on Earth. "Sa tingin mo ba madali lang mag-file ng annulment?"

"As long as it's possible, then mangyayari 'yon. I'm sure Dad can do something about that."

"He can't."

"Who knows?"

Hindi na siya nakasagot. Lumapit na lang siya at niyakap ako. "I hope you don't regret this."

"Gusto ko lang tumulong, Mom."

Kinabukasan, hindi na ako nag-almusal sa bahay and went straight to my office. I have to keep myself busy para hindi ko maiwasang matuwa sa kasal. Sapilitan lang 'yon kaya walang dapat ikasaya roon. I am not taking my chances either dahil sa pagmumukha pa lang ni Renzo, alam kong hindi niya na talaga ako mamahalin ulit.

Pipirmahan niya na ang prenup mamaya at sakto pa because their former clients only gave him 5 days to pay or else, he will be sued. It's almost five in the afternoon nang naisipan ko nang pumunta sa opisina ni Dad at baka sakaling maabutan ko si Renzo.

Bumati agad si Prim nang makita ako. "Good afternoon, Ma'am."

Nginitian ko siya at dumiretso na sa pinto at pagbukas ko, napaatras ako nang suntukin ni Renzo si Dad. Sa bilis ng pangyayari, nakaganti agad si Dad kaya sumalampak si Renzo sa sahig. My father is 55 and freaking strong. I felt bad for Renzo.

"What are you doing?!" Lumapit ako agad at inilayo si Dad. Nang dumapo ang tingin ko kay Renzo, halos takbuhan ako ng kaluluwa ko. Galit na galit ang mga mata niya habang mabilis ang paghinga at tila isang kalabit mo lang, sasabog na sa galit.

"You're a fucking demon."

"You have no proof. Baka nakalimutan mo nang ako lang ang makatutulong sa 'yo?"

Kahit nalilito ako sa sagutan nilang dalawa, pinilit kong pumagitna. Tumayo si Renzo habang hawak ang sariling panga at matalim na tinitigan si Dad. He's masculine and toned, alright. But so is my father and a brawl like this will only leave them both equally hurt.

Renzo pursed his lips and tilted his head like he's ready to throw another punch if something triggers him. "This is the last time that I'm going to ask you. Pinapatay mo ba ang nanay ko?"

Wha— that's a big jump. "Renzo, where did that come from?"

Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya kay Dad. "I read the contract. It was dated 5 days before my mom died. Paano mo nalamang kakailanganin ko ng pera pagkatapos mamatay ni Mama?"

Hindi sumagot si Dad. Naghihintay ako pero nanatili siyang tahimik.

"Because you caused the fire, didn't you? Ang iMake ang huli naming pag-asa kaya ipinasunog mo."

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon