Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 9

142K 2.1K 237
                                    

Nakasuksok sa magkabilang bulsa ang kamay niya at nakatingin sa akin na tila inaasahan niyang mangyari 'to. Kalmado lang siya pero ako, nanginginig na sa kaba. Mahihimatay pa yata ako rito.

"Dad..." My voice cracked.

Dahan-dahan siyang lumapit kaya umatras ako hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko ang study table. Marahan niyang hinaplos ang braso ko. "It's okay..."

Nanakit na ang lalamunan ko habang nagpipigil ako ng luha. "Stay... away," I whispered.

"Ginawa ko ang lahat para sa 'yo. Why do you have to do this? Ito ang gusto mo, hindi ba? Ibinigay ko naman."

"I never wanted to be a part of any of this! Hindi ko ginustong mamatay si Tita Ida at hindi ko ginustong ipilit si Renzo sa 'kin. Nandito tayo dahil selfish ka—"

"Let me tell you something."

Hinila niya ako patungo sa balcony. Umihip ang malamig na hangin kaya mas lalo akong nanghina. This man beside me is my father, who is also a murderer. God, help me.

"Naalala mo bang nag-imbita ka ng mga kaibigan mo noong 19th birthday mo?"

Hindi ako sumagot pero naaalala ko. Ano na naman ba ito?

Hinaplos niya ang tungtungan ng railing. "Nakatayo ka dito... mismo. Ang sabi ng mga kaibigan mo, may hawak kang baso ng beer, nagsisigaw ka rito..."

Napasinghap ako nang tila bumalik sa 'kin ang iilang piraso ng mga alaala. Oh, no. No... Hindi ako makakilos habang nakatitig sa kawalan at hinahayaang bumuhos ang mga alaala ko sa gabing 'yon.

Dahan-dahan akong tumango at mas lalong nanghina. "At sinabi kong gusto kong... mamatay."

Napapikit ako habang inuulan ng pagsisi. You're pathetic, Wendy. You're pathetic. Mas lalong nag-unahan sa pagtulo ang luha ko habang bumubuhos sa 'kin ang mga sinabi ko nang gabing 'yon.

"Bakit pa siya nagpakilala kung hindi niya ako paninindigan?"

"Lahat ng pangako niya, tinangay na ng hangin."

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa sobrang kahihiyan pero alam kong sakit at pagsisisi ang mas nangingibabaw sa 'kin ngayon. How could I deal with my problem like that? I wish I was smarter.

Hinila ako ni Daddy at niyakap. "It's okay. It's over. You learned and that's all that matters."

"Ang sabi mo sa 'kin noon, nadulas ako sa pool. Bakit ka nagsinungaling?"

"Hindi na kailangang malaman ng iba na ginawa mo 'yon para sa isang lalaki. I don't want anyone looking at you like some stupid and pathetic child."

Umatras na ako lalo at kumapit ulit sa railings habang nakatanaw sa pool. Stupid and pathetic indeed. I should've asked for help. I should've done much better than that.

I was lucky.

"Kaya mula sa araw na 'yon, nangako akong ibibigay ko lahat ng gusto mo... kahit hindi mo hilingin."

Mabilis ko siyang nilingon. "No. No. Don't you ever try to justify what you did to Renzo and his mom. Nagkamali ka! You have to pay for what you did!"

"I did it because I care for you! Ibinibigay ko lahat, kahit ano! You wanted that boy? Hinayaan kita sa kanya! Hindi ako tanga. Alam ko ang tungkol sa inyong dalawa bago ka pa umamin! Alam ko!"

What? Napigil ko ang paghinga ko sa sobrang gulat. He knows. All this time, he knows?

"Dalawang beses nakunan ang mama mo, anak. You're our third baby, our third miracle, our third try and I swore that I'll take care of you. Pero masyado ka pang bata, wala ka pang alam sa pakikipagrelasyon. Mas inuna mo siya kaysa ang pag-aaral mo and you were badly distracted so I told him to back off."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Maria Lea, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Maria Lea
@marialea
[WATTYS 2018 WINNER] Eight years have passed yet Wendy can't move on...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 32 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @marialea.
Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon