Chapter II

6 0 0
                                    

Chapter II

Ilang araw na matapos ang gabing iyon. Umuwi naman kaagad si Niklaus matapos kumain, pinilit pa nga siya ni tita na magtagal pero aniyay matutulog daw siya ng maaga dahil maglalaro daw sila bukas ng umaga ng mga kaibigan niya. Ang arte.

Habang kumakain kami noong gabing iyon, hindi ko maiwasang mapansin ang pasimpleng pagrereto ni tita sakin kay Niklaus na sinasakyan naman ng mokong. May pa sulyap-sulyap pang nalalaman at pangiti-ngiti kala mo naman ang gwapo gwapo niya, tss.

Pagkatapos ng gabing iyon, nagsimula na akong mag advance study para sa darating na pasukan, ito na ang nakagawian ko dati pa na mag-aaral bago magsimula ang school year. Kung ako nag-aaral, ang kapit-bahay ko naman na ubod ng kayabangan at punong-puno sa sarili ay busy sa paglalaro ng kung anu-ano kasama ang mga kaibigan niya. Sa katunayan, eto sila ngayon dinig na dinig ko ang ingay galing sa kwarto ni Niklaus na sa kasamaang palad, magkatapat pa kami ng bintana.

Ngayong araw, dalawang araw bago magsimula ang pasukan, napag-isipan kong mag pi-paint muna at magpahinga sa pag-aaral. Pini-paint ko ngayon ang crush na crush ni tita na si Lee Min-Ho. Patapos na ako nang narinig kong may sumigaw sa kabilang bintana.

"Hi, idol! Musta?" Nilingon ko ang sumigaw at nakita ang kaibigan niyang si Cielo na walang ibang alam kundi mang-asar at mag-biro.

Tinanguan ko lang ito at nginitian pagkatapos ay binalik ko ang tingin sa ginagawa. Ganyan siya halos araw-araw pag nakikita ako, wala na ata silang ibang gagalaan kundi dito nakakaumay na silang tignan lalo na ang pagmumukha ni Niklaus na sa tuwing magkaka abot ng tingin ang mga mata namin ay may pa kindat kindat pang nalalaman. Nakakabwisit.

"Idol pansinin mo naman 'tong kaibigan namin, nalulungkot daw siya kasi binabalewala mo raw!" Pagbibiro ni Cielo na agad namang sinaway ni Niklaus.

"Ano ba! Lalong di ako papansinin niyan eh!" Sabi niyang natatawa na ikinairap ng mga mata ko. Nag-aasaran nalang sila at hindi ko na ulit pinansin.

Mabilis tumakbo ang oras at ngayo'y naghahanda na ako para pumasok. Unang araw ngayon at wala akong masyadong ineexpect sa bagong paaralan kundi ang magandang sistema ng pagtuturo at ang de-aircon na mga classrooms. Finally, hindi na ako magtitiis sa mainit na panahon tuwing magka-klase.

Doon kasi sa probinsiya namin, ceiling fan lang ang naka provide hindi naman mainit pag normal na araw kasi may mga nakapaligid namang mga naglalakihang mga puno yun nga lang palagi akong pinapa-upo ng mga teachers sa gitnang harapan kaya tuwing mga araw na sabrang init, pinagpapawisan ako ng todo idagdag mo pa ang mga kaklase kong mga lalake na naghahabulan palagi sa loob ng classroom ayun, empyerno.

Ngayong araw, ihahatid ako ni tita pero ibababa lang daw niya ako sa may skywalk kasi traffic daw sa loob ng paaralan tuwing unang araw. Naintindihan ko naman at plano ko pa nga ay magko-commute na sa susunod para hindi na maka-abala kay tita.

Papalabas na kami sa subdivision nang makita namin si Niklaus na nag-aabang ng tricycle, akala ko ba mayaman 'to at de kotse? Naramdaman kong binagalan ni tita ang takbo ng sasakyan at huminto sa tapat ni Niklaus.

Binaba ni tita ang bintana sa may passenger seat. "Hijo, sabay ka na sa'min!" Pag-aaya ni tita, ngumiti naman siya at sumakay sa likod, which is sa tabi ko. Hindi ako nakaupo sa front seat dahil may mga papeles si tita roon.

"Ang bait niyo talaga tita Mars!" Sabi niya kay tita at lumingon sa'kin. "Good morning, your highness!" Bati niya at kumindat, kumunot naman ang noo ko. Your Highness? Anong pakulo na naman iyan? Parang napansin niya ang tanong sa mukha ko kaya sinagot niya ito. "Wala, feeling ko lang magiging pangalan ng reyna ang pangalan mo in the near future." Sagot niya na may kasabay pang pagtango, sure na sure lang?

Chances In Circles (Queen City Series #1)Where stories live. Discover now