Chapter 1

9 0 0
                                    

Chapter I

Nagsimula talaga ang lahat nang pinilit ni Tita si Mama at Papa na doon ako pag aralin sa City, aniyay gusto niya raw akong alagaan bago pa raw lumala ng husto ang sakit niya. Noong una, ayaw pumayag sina mama dahil baka raw kung anu-ano ang matutunan ko roon. Pero kalaunan, pumayag din sila nang sabihin ni Tita na siya nalang daw yung magpapa aral sa'kin.

Hindi naman talaga ganoon kayaman ang pamilya namin, parang nasa middle lang kami ganoon. Si Papa ay Konsehal sa bayan at si Mama naman ay public school teacher, may half brother ako na matanda ng apat na taon sakin.

Anak siya ni papa at nung una niyang asawa bago sila nagkakilala ni mama. Hindi kami close ng kapatid ko dahil naiirita ako sakanya kasi kung ituring sila nina mama at papa, parang siya talaga yung anak nila.

Habang ako palaging pinapagalitan kasi raw inaaway ko siya at sinusungitan. Dapat daw alagaan ko siya dahil may hika siya. Tss, para namang hihikain yan kung aawayin ko eh nagsusungit rin yan sakin.

Kaya nang malaman kong kukunin ako ni Tita, parang nagliwanag ang buong mundo. Hindi narin ako makakaramdam na parang ayaw sakin ng mga tao sa bahay, kasi alam ko pag nakay tita ako, siguradong buong atensiyon niyan nasa akin.

Simula pa kasi noong bata ako, si tita ang nag – aalaga sa'kin tuwing inaatake ng hika yung kapatid ko na ilang beses mangyayari sa isang buwan kaya ang atensiyon nina mama at papa, na sa kanya palagi habang si tita naman ang bibong bibong mag alaga sa'kin.

Pagkatapos na pagkatapos ng pasukan sa third year high school, lumuwas na ako sa siyudad kasama si Tita. Wala sina mama at papa sa bahay dahil pareho silang may lakad yung kapatid ko yung naiwan kaya sa kanya na lang ako nagpaalam.

"Kuya, alis na'ko." Pagpapa alam ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpapatuloy sa pag iisketch ng kung ano. Napairap ako at lumabas na para ikarga ang mga bagahe ko sa likod ng sasakyan ni Tita.

"Dear, nadala mo na ba lahat ng mga importante mong gamit? Yung mga painting materials mo and all?" Tanong ni tita habang tinutulungan ako sa pag karga.

"Oo naman, tita. Makakalimutan ko ba yun?" Tawa ko at kinuha sa kanya ang isa kong bag na mabigat. "Ako na rito tita, paandarin niyo nalang ang sasakyan." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkarga. Pumunta naman siya sa driver's seat at pinaandar na ang Civic niya.

May sariling business si tita at asensadong asensado ito kaya kung ikukumpara samin, mas mayaman siya. Hindi na nag asawa si tita at wala rin siyang anak, sabi niya'y gusto niya raw mag isa lang siya at walang inaalala. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinilit niya sina mama na dalhin ako sa siyudad.

Siguro dahil talaga sa sakit niya. May leukemia si tita, isang uri ng cancer sa dugo hindi pa naman ito malala at nagpapagamot na naman siya.

Habang nasa biyahe kami, sinasabi na niya sa'kin ang mga gagawin naming pagkarating sa bahay niya. Aniyay aayusin daw muna namin ang kwarto at mga gamit ko. Tapos, mamamasyal daw kami sa Ayala at kung saan saan pa bago mag simula ang enrollment.

"Dear, may times na wala ako sa bahay para sa business ko. Kung nabobored kana sa bahay, pumunta ka nalang ng clubhouse, may swimming pool roon. Malayo-layo pa sa bahay pero may mountain bike naman ako, pwede mo yun gamitin." Sabi niya sakin habang pinapark ang kotse niya sa tabi ng daan malapit sa isang kainan. Dito ata kami mag tatanghalian.

Bumaba na kami ni tita at nag order na. Mabilis lang kaming kumain dahil sabi niya ayaw daw niyang gabihin sa daan, traffic pa naman daw. Pagkatuloy naman sa biyahe, nakatulog ako at nagising lang nang dumaan ang sasakyan sa mabatong parte ng kalsada.

"Malapit na tayo." Sabi ni tita nang mapansin niyang gising na ako. Tumingin ako sa labas at nakitang papasok na kami sa subdivision. Pagkapasok mo, may rotunda doon na parang fountain pero ang nasa loob ay isang malaking barko, parang yung sa Peter Pan.

Chances In Circles (Queen City Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora