Prologue

9 0 0
                                    


Prologue

Nagbibihis na ako ng uniporme ko papasok sa trabaho ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nagmamadali kong tinapos ang pagbibihis at hinablot ang cellphone kong nasa tukador, inis kong sinagot ito nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Oh?" Sagot ko kaagad habang kinukuha ko ang charger at powerbank ko at pinasok sa aking bag.

"Nasaan ka na? Antagal mo naman mahal na reyna! Male-late na tayo oh! Kaloka!" Reklamo kaagad ni Chad. Sinusundo niya ako ngayon kasi nasa pagawaan ang kotse ko dahil na flat ito kaninang umaga.

"Teka lang yaya ha, pababa na po ako ngayon." Biro ko naman. Ito talagang baklang to hindi makapag hintay eh may isang oras pa naman kami bago ang duty namin at wala namang traffc ngayon. Lumabas na ako at nagmamadaling tumakbo ng makitang papasara na ang elevator.

Mabuti naman at nakaabot pa ako, nginitian ko yung kapit bahay kong matanda habang kinukuha ko ang suklay sa aking bag, napag desisyonan kong sa kotse nalang ni Chad ako mag-aayos ng buhok.

"Sa susunod kasi, i check mo muna ang gulong ng kotse bago mo ipapaharurot. Porket naka Subaro kana ngayon ha!" Sermon niya habang natatawa. Napairap ako, akala mo naman yayamanin na ako, mas bigatin pa yan eh!

"Bilis na!" Habol pa niya bago inend call. Aba! Binabaan ako bigla ng ingrata. Hampasin ko 'to mamaya eh!

Pagkalabas ko ng elevator, dumiretso ako sa may lobby kung saan siya naghihintay. May dala na itong dalawang Grande mula sa Starbucks isang Strawberry & Cream at Dark Mocha.

"Kape niyo po mahal na reyna." Sabay abot niya kaagad sakin ang Dark Mocha habang yumuyuko pa, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga taong dumadaan sa'min.

Paano ba kasi, isang matangkad at may katamtamang muscles na lalake na naka all white yumuyuko, diba parang tanga?

"Thanks babe. Umayos kana diyan bago pa kita mahampas, tara na!" Sabi ko sa kanya at dumiretso na sa labas. Sumunod naman siya at nauna pa habang pinapatunog ang BMW X7 niya. Sabi sainyo bigatin to eh!

Pumasok na kami sa loob at sinimulan na niyang imaneho ang sasakyan palabas ng Amalfi.

"Ikaw ha, sinasanay mo talaga yang Babe mo sakin." Reklamo niya sabay irap.

Tse, bakit ako ba nakaisip non? Eh siya 'tong Babe ng babe sakin noong mga panahong hindi pa siya nag shine shimmer sa pamilya niya. Kaya nasanay narin ako kahit ngayong tanggap na ang buong pakatao niya.

Nakakatulong rin naman lalo na tuwing lumalabas kami kasama ang ibang mga kakilala namin, madaming pumoporma sa'kin at madami naman ang nantsa-chancing sa kanyang mga babae kaya pag naiirita kami o ayaw talaga namin, tinatawag naming ang isa't isa at nagkukunwaring mag jowa para umalis na ang mga echos sa paligid namin.

"Nagrereklamo ka pa, eh ikaw may pakana neto. Panagutan mo!" Biro ko habang inaayos na ang buhok ko.

Nag clean low bun lang ako dahil ayoko namang nilulugay ito lalo na sa trabaho at mahaba pa ang buhok ko. Sumipsip ako sa frappe ko at inabot yung sa kanya para makasipsip siya habang nagmamaneho.

"Tse. Pero okay narin kasi nakaka benefit tayo both. Best friends with benefits tayo diba?" Sabi niya pagkatapos sumipsip. Gaga talaga 'to. Pero yan talaga yung biro namin sa isa't isa. Hindi naman lahat ng friends with benefits keme ay sex na yung benefits, may iba yung benefits na tinutukoy ay nakakatulong sa buhay. Hindi naman nakakatulong yang jugjugan duh!

Nagpatugtog nalang ako sa stereo ng sasakyan at chineck yung emails ko na halos lahat ay nagpapa pinta. Nakita ko pang nagpapapinta ang isang politiko na kaibigan ni Papa. Inuna ko itong nireplayan at habang nagereply ako sa iba kong mga costumers, nagsalita si Chad sa tabi ko.

"Balita ko, naka uwi na raw siya dito sa Cebu. Kahapon lang daw." Natigilan ako sa pagtitipa at ilang sandali lang ay pinagpatuloy ko ang pagrereply at binalewala ang sinabi niya.

"Teej, nakikinig ka ba?" Sabi niya at lumingon sa'kin nang pumula ang traffic light.

Bumuntong hininga siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho nang mag go signal na. Habang pinagpatuloy ko ang pagrereply, naalala ko na naman ang mga masasakit na alaala na ilang taon ko nang pilit binabaon at kinakalimutan sa loob ng anim na taon.

Bago ko pa lubusang maalala ang lahat, binuksan ko nalang ang editing app sa phone ko at nag edit ng fan art.. Ito ang ginagawa ko kapag gusto kong magrelax kung hindi ako nagpi-paint o nagiisketch ng kung anu-ano.

Nanahimik na rin naman si Chad nang mapansin niya na nag edit ako sa phone ko. Mabuti naman at ayokong naaalala ang lalakeng yun. Nakakasira talaga ng mood.

Matagal na kaming magkaibigan ni Chad, pero noong mag 3rd Year College lang talaga kami naging mag bestfriend nung ipinagtanggol ko siya sa mga lalakeng taga ibang block na nambubuly sa kanya at matapos ang mga trahedya sa buhay ko.

Simula non, sunod na siya ng sunod sa'kin at chinichikka na niya ang mga ganap sa life niya kahit di naman ako nagtatanong. Pero mabuti narin yun kasi may nakaausap ako bukod sa mga plastik kong blockmates.

Alam ni Chad ang lahat ng mga ganap sa buhay ko bago kami naging close at mga sikreto ko. Mas malaki pa ang pagtitiwala ko sa kanya kesa sa dibdib ni Mia Khalifa. Charet.

Pagkarating na pagkarating namin, nagmamadali na kaming pumasok sa hospital dahil napansin namin na sabrang busy ng ER.

Nakita kong may binababang pasyente sa ambulansya na parang galing sa aksidente, dumiretso na kami ni Chad sa aming mga trabaho.

Pagkatabi naming dalawa kay Dr. Santos, lumingon siya sa'min at nagsalita.

"Muntik na ata kayong dalawang ma late ngayon?" At binalik ang tingin sa isa pang ambulansiya na paparating, kasabay siguro ito nang naunang pasyente o ano.

"Ito kasing si Tatiana Doc, hindi inaalagaan yung sasakyan ayan tuloy na flat nasa pagawaan na ngayon, okay na siguro yun bukas." Sagot ni Chad. Lumapit kaagad kami pagkalapit ng ambulance sa'min.

Rumisponde kami pagkababa ng wheeled cot, at nakinig sa paramedics na ine-explain ang sitwasyon ng pasyente. Tama nga ako't galling sila sa aksidente noong nauna at may paparating pang asawa noong nauna.

Napatigil ako sa pakikinig sa paramedics nang tumambad sa harap namin ang isang napaka pamilyar na mukha na nabalot sa dugo at nakasuot ito ng Cervical collar.

Parang tumigil ang mundo ko nang makilala ko ang lalakeng nakatihaya ngayon sa harapan ko, nababalot ang mukha sa sariling dugo at nakapikit. Hindi ako makagalaw agad, tumingin naman si Chad sa'kin na gulat na gulat at hindi makapagsalita.

Napansin kaagad kami ni Dr. Santos, kumunot ang noo niya sa amin ni Chad.

"Ano pang hinihintay niyo diyan? Ang maubusan yan ng dugo? Kumilos na kayo diyan!" Sita niya saming dalawa ni Chad nagmamadali naman kaming asikasuhin ang pasyente.

Bago pa naming itakbo ito sa loob ng ER, nagtanong ulit si Doc sa paramedic.

"Parang pamilyar 'to, ano nga ulit ang pangalan?"

"Niklaus Gael Rojo po. Yung sikat na Bachelor." Ani ng paramedic. At sa nanginginig na mga kamay, tinakbo na namin siya sa loob ng ER.

Chances In Circles (Queen City Series #1)Where stories live. Discover now