Chapter III

4 0 0
                                    

Chapter III

Days went by smoothly, araw-araw sumasabay si Klael sa'kin papuntang USJR, at kahit pauwi sa bahay. Apparently, his parents are often out of town and sometimes abroad for their business kaya mag-isa lang siya sa bahay bukod sa mga kasambahay.

It's the second week of July at ngayon we will have a shortened period for Club Shopping. I wonder why it's called 'shopping' when you can only choose one. Diba pag nagsho-shopping maraming binibli? Sabagay, pwede namang isa lang din kukunin mo.

Anyways, since I love art, sumali ako sa Art Club and hindi naman ako naa-out of place kasi kasama ko naman ang seatmate kong si Rhea, she loves art too.

Luckily, our classroom would serve us our meeting place every third Thursday of the month kaya hindi ko na kailangang maglakad sa mga araw na'yan. Since the month of July is Nutrition Month, busy agad kami kasi may activities na gaganapin and kami ang naka-assign sa pag dedesign. And besides that, marami rin kaming ipe-paint sa Art classes kaya sobrang busy namin.

I bet the first quarter's schedule is nothing compared to the last since we are graduating students.

"Oh my gosh! Naglalaro sina Rojo sa amphi!" Dinig na dinig ko ang tilian ng mga kababaihan kahit na sarado naman ang classroom namin. I rolled my eyes. It's not new to me pero ang weird parin ng mga babae rito. Ano bang tinitili nila sa pagmumukha ni Klael?

"Okay, so that would be all. Don't forget your assignments and finish everything as soon as possible so that we don't have to panic during the day of the program. Goodbye." Pagpapaalam ni Sir Kervin na art teacher namin.

Lumabas na kami at bumaba ng building. Punuan ang amphi dahil naglalaro ng basket ball ang team ni Klael laban sa team ng College Department. Halos mga babae rin ang nagtitilian for both teams.

Ilang minuto ang nakalipas, nakita kong nagkakainitan na sila dahil sinisiko ng college sina Klael at parang target pa siya.

"Ayan na naman ang mayayabang na college nayan!"

"Ang duduming maglaro."

"Alam kasi nilang hindi nila matatalo ang high school."

Bulong bulungan ng mga babaeng batchmates ko sa harap.

"Tang-ina! Anong problema niyo kay Rojo?!" Sigaw ng isang teammate niyang nakaupo sa gilid.

"Ang gwapo ko raw!" Sigaw ng walang hiya bago nag shot ng three points. Kumindat pa sa'kin nang mag abot ang mga mata naming kaya inirapan ko siya.

Dahil doon, nagsilingunan tuloy ang mga tao sa gawi ko kaya yumuko na lang ako.

Mabuti na lang at hindi na pinatulan ng high school team ang college kaya't natapos ang laro ng matiwasay.

Nag-usap pa sila ng coach nila bago sila pinakawalan.

Maglalakad n asana ako papuntang parking lot nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text ni tita.


Tita Mars:

Dear, I can't pick you up today kasi may emergency meeting kami. Mag commute nalang kayo ni NIklaus. Sorry! Bilhan kita ng pizza pag-uwi ko. Hehehe


Ako:

Okay tita, no problem.


Pagka-angat ko ng tingin ko, nakita ko na naman ang nakangising mukha ni Klael habang naglalakad papunta sakin.

"Nandiyan na si Tita?" Tanong niya habang pinupunasan niya ang pawis sa kanyang noo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chances In Circles (Queen City Series #1)Where stories live. Discover now