16.

3.1K 61 25
                                    

We're already halfway through the story! I know that some of you have been waiting for this so here's Eli and Sorin's backstory. Enjoy!<3

. . .

"Elise!" napatakip ako sa tenga ko nang biglang tumili si Mindy. Agad siyang tumakbo sa'kin at mahigpit akong niyakap. I laughed a bit before hugging her back.

"Classmates tayo, yiee!" excited niyang sabi nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Talaga? Saan mo nakita 'yung listahan?" I asked. Hinila niya ako papunta sa bulletin board sa tabi ng faculty room at may tinurong papel na nakadikit.

'Vulgaris High, JHS | Grade 10 - Blossoms'

'Yun ang nakasulat sa pinakataas. I read the names and smiled when I saw mine printed on it.

'Monteverde, Astra Elise F.'

"Ito ako, oh, see? Classmates tayo!" masayang sabi niya at tinuro din ang pangalan niya bago pumalakpak. Natawa nalang ako at hinila na siya papunta sa classrom namin.

Nang makarating kami sa room ay kakaunti palang ang naandun. Nginitian muna namin sila bago naghanap ng mauupuan.

"Doon tayo sa harap, malapit sa bintana. Kasi naman, eh. Sa kabilang section 'yung crush ko! So hanggang sulyap nalang talaga ako!" ngumuso siya at umupo malapit sa bintana. Napailing nalang ako at umupo sa tabi niya habang inaantay ang iba pa naming mga magiging ka-klase.

"May isang transferee daw na mapupunta dito sa section natin. Sabi nila pogi daw, omg." parang kinikilig pa siya habang nagkwe-kwento.

"Oh, really?" I acted interested. Wala naman talaga akong pakialam pero kawawa naman si Mindy kung salita siya nang salita tapos hindi ako magpapakita ng interest sa sinasabi niya.

"Yup. I heard his name was Jace yata?" tinaas baba niya ang mga kilay niya. Napangiwi naman ako ng bahagya nang mabanggit ang isang pamilyar na pangalan.

"Oh, what's up with that face?" tumawa siya at tinuro ang mukha ko.

"Wala. May kapangalan lang." umirap ako.

"Hmm, talaga lang, huh?" she teased. Hindi ko nalang siya pinansin at nilabas nalang ang cellphone ko para 'yun ang kalikutin.

"Itago mo na 'yan, andyan na yata magiging adviser namin." biglang sabi ni Mindy at bahagya akong kinalabit. Tumingin ako sa pintuan at nakita doon si Ma'am Lena.

"Buti nalang mabait adviser natin this year!" masayang sabi ni Mindy at pumalakpak. Subject teacher kasi namin si Ma'am Lena last year kaya kilala na namin siya at alam namin na bihira siya magsungit. Nakita ko din na natuwa ang iba naming mga ka-klase.

Tumango naman ako at binulsa ang cellphone ko.

"Good morning, class!" she greeted cheerfully. We all smiled and greeted her back.

"So obvious naman na siguro, I will be your class adviser for this school year. I'm Ma'am Lena Ocampo and I'm happy to be here with you all today." she smiled.

"Hulaan ko sunod ma'am! Introduce yourself!" sigaw naman ng isa naming kaklase sa likod.

"Yes, you're right. At dahil diyan, sa'yo magsisimula." nakangiting sabi naman ni Ma'am.

"Ma'am, magkakakilala naman na po kaming lahat." napakamot siya sa batok.

"Yes, I know. Pero hindi kayo classmates lahat last year, 'di ba? You're from different sections. Magkakakilala lang kayo kasi may mga mutual friends kayo at dahil magkaka-batch kayo." she shrugged.

"Okay, fine." natatawang tumango ang ka-klase namin at nagpakilala nalang. It went on and on at dahil sa harap kami ni Mindy at nasa pinakadulo, kami ang nahuli.

After We EndedWhere stories live. Discover now