17.

2.6K 62 22
                                    

Masyado na yata akong na-distract sa pagkain ko, hindi ko na namalayan ang oras. Natauhan nalang ako nang marinig ko ang bell.

"Halla, late na tayo. Tara na." sabi ko kay Jace at tumayo. Takbo-lakad na ang ginawa ko papuntang classroom pero si Jace ay parang normal lang na naglalakad dahil mahaba ang mga binti niya, hindi katulad ko na pandak.

"Good morning, Ma'am. I'm terribly sorry we're late. Medyo na-distract lang po kasi-"

"It's fine, Elise. Pasok na kayo." putol ni ma'am sa sinasabi ko. Ngumiti naman ako at dumiretso na sa upuan ko. Sumunod naman si Jace at umupo sa upuan niya sa tabi ko.

"Anong meron? Bakit magkasama kayo? Hoy, ano 'yan?" mapang-asar na tanong ng isa naming kaklase sa likod.

"Ay, si Elise, luma-love life." asar naman ng isa pa. Napairap nalang ako at humalukipkip. Mukhang mai-issue nanaman ako.

"Hoy, pinagpalit mo na kaagad si Alfred, ah!" asar nanaman ng isa.

Si Alfred 'yung seatmate ko 'nung third grading last year. Sabi nila, bagay daw kami, kaya 'shinip' nila kami. Kada-taon yata, may ipina-pares sila sa'kin!

"Tigilan niyo nga ako." inis na sabi ko kaya nagtawanan sila.

"Yiee, bakit ka galit?" natatawang asar ni Mindy. I sighed heavily and just ignored them. Tahimik lang din si Jace sa tabi ko, mukhang walang pakialam sa nangyayari.

"Okay, that's enough. Magkasama sila kasi si Elise ang pinakisusapan kong maglibot kay Jace. Kayo talaga, every year may ini-issue kayo kay Elise." natatawang sita ni Ma'am Lena.

"Ayaw niya kasing i-share kung sino crush niya, Ma'am! Wala daw siyang crush. E'di kami nalang maghahanap ng crush para sa kanya!" sabi naman ng isa na sinang-ayunan ng lahat. Napatampal nalang ako sa noo ko at napailing.

Random activities lang ang ginawa namin buong umaga. Hindi pa kami nag regular class.

"Saan ka magla-lunch?" tanong sa'kin ni Mindy habang nag-aayos kami ng gamit 'nung mag uwian na ng tanghali.

"Sa canteen nalang. Tinatamad akong umuwi." ngumuso ako at sinuot na ang bag ko.

"Okay, let's go!" masayang sabi niya at yinakap ang braso ko.

Naghiwalay kami saglit nang makarating kami sa canteen para mag bumili ng sariling pagkain bago nagsama sa isang lamesa.

"Bagay kayo ni Jace." nangaasar na sabi niya habang ngumunguya. Puno pa ng pagkain ang bibig niya!

"Seriously? Ikaw din?" ngumiwi ako.

"Bestie, kung sana kasi inamin mo na noon pa na may crush ka, tatantanan ka na namin." humalakhak siya.

"Yeah, yeah. Ayaw niyo kasi maniwalang-"

"Huling crush mo is 'nung grade four ka? Yeah, talk to my ass." she rolled her eyes.

"Bunganga mo." sita ko at binato siya ng isang pirasong french fries.

"Totoo naman, ah! Like, girl, hindi ka 'man lang nagwa-gwapuhan sa kahit sinong guy sa earth!" maarteng sabi niya at iwinagayway pa ang isang kamay.

"Nagwa-gwapuhan, oo. Sa mga artista, ganun." I shrugged.

"Sa mga ka-age natin!" she specified.

"Hindi." napaisip ako. "Wala, hindi talaga." ngumuso ako kaunti. Hindi naman sa mataas ang standards ko, pero parang ganun na nga.

"Ewan ko talaga sa'yo. Basta, hanggat hindi ka nagkaka-matinong lovelife, ishi-ship ka namin sa lahat ng pwede!" pumalakpak pa ang gaga!

"Ewan ko sa inyo." walang ganang sabi ko at tahimik nalang na kumain. Sanay naman na ako sa pang-aasar nila kaya bahala na sila.

After We EndedWhere stories live. Discover now