21.

2.4K 72 36
                                    

Mabilis lang na natapos ang foundation day namin at ngayon ay naghahanda na kami para sa Intrams dahil magkasunod lang.

Nasa classroom kami ngayon at inaantay ang announcement ni Ma'am Lena tungkol sa mga teams namin.

"So before we start, I just want to inform you that this year will be different." panimula niya.

"Hindi ko na kayo idi-divide by four groups kasi isang group na tayo sa section na 'to." sabi niya kaya nagulat kami.

"So iisang unit nalang po tayong lahat dito?" tanong ni Shiela.

"Yes. Pero ang mga lower years ay halo-halo pa'rin sa ibang units. And since four sections na ang grade 10, each section kailangan ng dalawang representative para sa Mr. and Ms. Intrams." she told us. Napatango naman kami.

"First option natin para doon ay ang Muse at Eacort." she said and glanced at me and Jace. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin.

"But of course, we're gonna give chance to others. May mga gusto ba na magrepresent ng section natin?" tanong ni ma'am.

Walang nagtaas ng kamay kaya akmang magsasalita na siya nang biglang tumayo si Lanah.

"Oh, Allanah. Okay, sino pa? Kung walang lalaki na gusto, wala tayong choice kung hindi si Jace."

Napalingon ako kay Jace na tahimik lang na tumango, mukhang payag na.

"Aside kay Lanah, may iba pa ba na gustong mag represent ng section natin?" tanong niya.

Naramdaman kong kinalabit ako ni Jace kaya napalingon ako sa kanya. "Sali ka."

"Huh? Bakit? Ayoko nga." sumimangot ako at umiling.

"Bahala ka, si Lanah magiging partner ko-"

Wala sa sariling napatayo ako dahil sa sinabi niya. I glared at him and he just chuckled.

"Okay, gusto din ng muse natin." Ma'am Lena smiled at me. My classmates suddenly cheered kaya bigla akong nagsisi sa naging desisyon ko.

"Para fair, mag botohan nalang tayo." ngumiti si Ma'am Lena at sinenyasan kami na pumunta sa harap.

Nang makatayo kami doon ay nagkatinginan kami ni Jace. He smiled at me while playing with his pen kaya napaiwas ako ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Mindy at mahina siyang natawa.

"Okay, all in favor of Lanah to be our representative, please raise your hands."

Tatlo ang nagtaas. Mga kaibigan ni Lanah.

"For Elise?" tanong naman ni Ma'am at halos mapanganga nalang ako nang magtaas silang lahat ng kamay, pati si Jace ay mapang-asar na nakatingin sa'kin habang nakataas ang kamay niya.

"Okay, we have a clear winner." ngumiti si Ma'am at pinabalik na si Lanah sa upuan niya bago tinawag si Jace na pumunta sa tabi ko.

"Jace and Elise will be our class representatives." she announced.

Four days ang Intrams namin. First and second days will be for our sports fest. Third day ang pageant at fourth naman ay magkakaroon daw kami ng kantahan.

"May sinalihan ka ba na sport?" tanong sa'kin ni Mindy habang kumakain kami ng fishball sa labas ng school.

"Huh? Eh kasali na ako sa pageant?"

"May dagdag grade daw 'pag sumali. Si Jace nga sumali sa basketball team eh." she told me.

"Talaga? Paano mo naman nalaman?"

"Sinabi lang sa'kin ni Zian. Magkakasama daw silang tatlo." She shrugged and sipped on her pineapple juice.

"Hindi na siguro, magfo-focus nalang ako sa pageant."

After We EndedWhere stories live. Discover now