PROLOGUE

363 22 5
                                    

Halos walang ingay akong naglalakad patungo sa pintuan ng silid ko. Maingat ang bawat hakbang ko at noong tuluyang mabuksan ko na ang pinto ng silid, mabilis akong naalarma noong maramdaman ang presensiya ng aking ina.

"Hindi pa rin ba ito natutulog?" mahinang tanong ko sa sarili at muling isinara ang pinto. Halos hindi na rin ako humihinga sa kinatatayuan ko. Tahimik kong pinapakinggan ang tunog ng suot nitong sapatos at noong tumigil ito sa tapat mismo ng silid ko, mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako at humakbang ng isang beses palayo mula sa pinto.

Napangiwi na lamang ako noong hindi nawala ang presensiya ng ina sa labas ng silid ko at patakbong bumalik sa may kama ko. Agad akong nahiga roon at nagkunwaring natutulog na.

Abot-langit ang kaba ko habang nakapikit ang dalawang mga mata. Bakit ngayon pa ito lumabas ng silid niya? Ngayon pa talagang paalis na ako!

Napailing na lamang ako at hinintay na bumalik na ito sa silid niya. At noong mawala na ang presensiya ng aking ina sa labas ng silid ko, mabilis akong napaupo at napahawak sa dibdib ko.

"That was close," mahinang usal ko at napailing na lamang. Wala sa sarili akong napatingin sa orasang nakasabit sa dingding ng silid ko at napangiwi na lamang muli. "Mukhang hindi na ako makakalabas ngayon," nanlulumong wika ko pa. Sayang naman itong damit na inihanda ko! Napanguso na lamang ako at tiningnan ang magarang damit na suot.

Isang kulay asul na magarang damit ang napili ko para sa gabing ito. Minsan lang may dayo sa bukana ng gubat namin kaya naman ay talagang pinagawa ko pa ito sa isa sa magaling na taga-gawa ng damit dito sa lugar namin!

"Sayang talaga," muling usal ko at hindi na sinubukan pang lumabas ng silid. Natitiyak kong alerto ngayon ang aming ina kaya naman ay malabong makatakas na ako mula sa kanya. "Kung nakaalis man ang mga kapatid ko, siguro'y magtatanong na lang ako sa kung anong naganap sa pagtitipon ngayong gabi."

Napabuntonghininga na lamang ako at dahan-dahang inalis sa katawan ang magarang kasuotan. Maingat ko itong hinubad at noong maalis ko na ito nang tuluyan sa katawan ko ay nagtungo na ako sa kabinet kung saan naroon ang ibang damit ko. Mapait akong ngumiti at isinara na lamang iyon.

Noong matapos na ako sa ginagawa, bumalik na ako sa kama ko at maingat na humigang muli. Tahimik akong nakatitig lang sa may kisame at hinintay na dalawin ako ng antok.

Lumipas ang ilang minuto ay ni paghikab ay hindi ko ginawa. Napanguso ako at mabilis na naupong muli sa kama ko.

"Dapat talaga ay nasa kasiyahan ako ngayon!" mahina ngunit mariing bulalas ko at wala sa sariling napatingin sa damit na suot ko kanina. Napailing na lamang ako at dahan-dahang tumayong muli sa higaan ko. Maingat akong lumapit sa damit ko at akmang hahawakan ko na sana ito noong mabilis akong natigilan at naging alerto sa paligid.

"What the hell is happening?"

Mabilis akong napatakbo sa gawing kanan ko kung saan naroon iyong bintana ng silid ko. Dali-dali kong hinawi ang nakasarang kurtina at noong may namataan akong kakaiba sa paligid, mabilis akong napakuyom ng mga kamao.

"Nasusunog ang bukana ng gubat!" mariing wika ko at napaatras palayo sa bintana ko. This is not good! Naroon ngayon ang mga kapatid ko sa pagtitipon!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng silid ko. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa at agad na tinungo ang daan patungo sa silid ng aming ina. Akmang kakatok na sana ako noong biglang bumukas ang pinto nito. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at sinalubong ang galit na ekspresyon nito sa mukha.

"Nakabalik na ba ang mga kapatid mo mula sa pagtitipon na iyon?" malamig na tanong nito sa akin na siyang mabilis na ikinailing ko. Damn it. Alam nitong may usapan kami ng mga kapatid ko na umalis ngayong gabi sa palasyo! "Maghanda ka, Narissa. Mukhang hindi lang ang bukana ng gubat ang nais nilang sunugin."

TUSS#13: Wrath of the Royal WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon