Chapter 2

151 10 0
                                    

Bilang isa sa mga anak ng kasalukuyang reyna ng Ethereal Forest, inaasahan ng lahat na naninirahan sa lugar na ito na dapat ay magaling ka sa lahat ng bagay. Mula sa paggamit ng sariling kapangyarihan, hanggang sa makikipaglaban, you must do great. You must be one of the best witches living in this forest.

But not me.

Hindi ako katulad ng ibang royalty witches. I was born different. At hindi iyon maganda para sa akin.

"Good morning, Narissa," bati sa akin ng isang witch habang nakasakay sa magic broom niya. Napatingala ako sa kinaroroonan niya at tipid na ngumiti na lamang sa kanya. "Another training?" she asked and move slowly towards my direction. "You looked exhausted. Magpahinga ka naman."

Napailing ako sa tinuran nito at humugot ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan lang ang kaibigang prenteng nakaupo sa magic tool na kinokontrol niya ngayon. "You know I can't that, Rochelle." Napailing muli ako. "Kung magpapahinga ako ngayon, lalo akong mapag-iiwanan ng mga kapatid ko."

"Alam mong hindi paligsahan ang pagiging makapangyarihan sa lugar na ito, hindi ba? Come on. Don't do this to yourself." Bumaba na ito sa magic broom niya at nagsimula nang maglakad papalapit sa akin. "Kahit na hindi ka kasing lakas ng mga kapatid mo, still, you're a royal. Nasa dugo niyo na ang maging malakas kumpara sa aming mga normal na witch. Sooner, you'll learn how to control your own magic. Tiwala lang iyan."

"Hindi ako maaaring magtiwala na lamang sa bagay na iyan, Rochelle. I need to work hard to earn it. At isa, kilala mo naman ang reyna. Mabait ito sa lahat ng witch dito sa Ethereal Forest pero iba ang pakikitungo nito sa aming mga anak niya. She raised the standard so damn high. Hirap na hirap akong abutin man lang iyon."

"Oh well, I know that feeling." Tumawa si Rochelle at naupo sa damuhan. Ganoon din ang ginawa ko at tiningnan ang malawak na bakuran namin dito sa palasyo. "Hindi man ako isang royal witch na kagaya mo, ramdam ko ang pressure na mayroon ka ngayon. Always wanted to fit in, huh?"

"In our own family," mahinang turan ko at halos sabay kaming napabuntonghininga ni Rochelle. Nagkatinginan kami sa ginawa at natawa na lamang. "Siguro ay dapat ako ang nagsasabi nito sa'yo, Rochelle. Sooner, makakapasa ka rin at magiging isa sa Witch Enchantress ng Ethereal Forest." Ngumiti ako at muling tumingin sa malawak na bakuran ng palasyo. "You're a talented witch, Rochelle. Alam kong kaya mong makapasa sa mga pagsubok na ibibigay sa'yo."

"Mukhang kailangan ko nang mag-ensayo kagaya mo," anito at tumawang muli. Tumayo na si Rochelle mula sa pagkakaupo na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. "Come on, train with me. Alam kong hindi compatible ang mga kapangyarihan natin, but I can be a good sparring partner."

"Really?" mabilis na tanong ko at tumayo na rin. Madalas akong mag-ensayo mag-isa rito sa bakuran kaya naman ay talagang papatulan ko itong alok ni Rochelle sa akin. "Ayos lang ba talaga sa'yo? I... I can't control my magic. Baka masaktan kita."

"I'm an enchantress, Narissa. Alam ko kung paano iwasan ang kapangyarihan mo," anito at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Noong nagkaroon na kami ng sapat na distansya sa isa't-isa, humarap muli si Rochelle sa akin. Ngumiti ito at umayos nang pagkakatayo. "Just use your magic. Huwag kang magdalawang-isip na gamitin ito. Susubukan kong pigilan lahat nang atake mo sa akin."

"Alright," wika ko at inihanda na rin ang sarili. Nawala ang ngiti sa labi ni Rochelle at naging seryoso na itong nakatingin sa kinatatayuan ko. Napalunok ako at mayamaya lang, halos sabay kaming kumilos ng kaibigan ko. Napangisi na lamang ako noong makita kung paano ito gumalaw sa malawak na bakuran ng palasyo at noong mamataan kong ikinumpas nito ang kamay, agad akong naging alerto. Rochelle can enchant different magic spells. Pero sa ngayon, tanging wind magic pa lang ang talagang nagagamit niya sa ganitong laban. Alam din nitong hindi gagana sa akin ang ibang light magic spells niya kaya naman ginagamit na niya sa akin ang trump card niya.

TUSS#13: Wrath of the Royal WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon