Chapter 4

100 7 0
                                    

"Dar... no. I don't need him. Hindi ko kailangan na sabihin pa ang pangalan nito. I don't need any kind of black magic... I... damn it!" mariing sambit ko at napahiga na sa kama ko. Napapikit na lamang ako at marahang tinampal ang noo. I sighed. "Narissa, stop this," suway ko sa sarili at hinayaan na lamang na makapagpahinga ang katawan.

I'm tired. Buong araw akong nag-ensayo dahil bukas... bukas na ang araw kung saan ipapakita ko na sa aming inang reyna ang lahat ng kaya kong gawin. I can fully control my water magic now. Kahit siguro nakapikit ang mga mata ko, kaya ko nang patamaan ang target ko. This is the result of my hard work and heavy trainings with my sisters. Pasalamat na lang talaga ako na hindi nila ako hinayaang mag-ensayong mag-isa sa mga nakaraang buwan.

Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay nagising na lamang ako dahil sa malakas na kalabog sa may pinto ng silid ko. Napabalikwas ako at mabilis na napaupo sa higaan ko.

"Narissa!" sigaw ni Veerana sa labas ng silid ko at muling kumatok sa may pinto. "Wake up, you little sleepy head!"

"I'm up, Veerana!" ganting sigaw ko at mabilis na tumayo na. Agad akong nagtungo sa may pinto at pinagbuksan ang kapatid. "I'm awake," wika ko sa kanya at hinarap ang tila inis na kapatid. "I'm sorry. I overslept." Napangiwi ako at napaayos na lamang nang pagkakatayo sa harapan niya.

"Magbihis ka na, Narissa. Malapit nang magsimula ang pagsusulit mo," anito at pumasok na sa silid ko. "Hihintayin kita kaya naman ay bilisan mo ang kilos mo."

"Yes, Ma'am," wika ko at hinayaan na lamang ito sa silid ko. Dali-dali akong nagtungo sa banyo ng silid ko at nagsimula nang maglinis ng katawan. At noong natapos na ako sa pag-aayos, marahan akong humarap sa salamin at tiningnan ang repleksiyon ko roon.

This is it. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. I will not disappoint them, lalo na ang mga kapatid ko. Hindi ko sasayangin ang mga oras na inilaan nila para matulungan lang akong makapasa sa pagsusulit ng aming inang reyna.

I need to pass. I need to show them that I deserves to be called as the daughter of the Queen Witch of Ethereal Forest!

Noong lumabas na ako sa banyo ay namataan kong matiyagang naghihintay sa akin ang kapatid ko. Mayamaya lang ay tumayo na rin ito at tiningnan ang kabuuan ko. Napangiti ako sa kanya at nilapitan na ito.

"I'm wearing your gift," wika ko ipinakita sa kanya ang suot na bracelet. "Lucky charm."

"It's just a normal accessory from a human friend, Narissa. Please don't consider that thing as your charm," saad ni Veerana at inilingan ako. Ngumiti ulit ako sa kapatid at napanguso na lamang. Alam ko naman iyon, but still, it was a gift from her! Kahit na walang kakaiba sa palamuting ito, ituturing ko pa rin itong lucky charm. Minsan lang din kasi kami magkaroon ng ganito rito sa Ethereal Forest. "Let's go, Narissa. They're waiting for you."

Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang sa kapatid. Dali-dali kaming lumabas sa silid ko at nagtungo na sa bulwagan kung saan gaganapin ang pagsusulit ko. At noong nasa may pintuan na kami ni Veerana, napaawang na lamang ang mga labi ko.

Bakit maraming mga witch ang narito ngayon sa bulwagang ito? Nandito ba sila para saksihan ang pagsusulit ko?

"This is your last chance to show mother your skills, Narissa. At pumayag itong may ibang witch na magtungo rito sa palasyo ngayong araw. She wanted them to show your growth as a royal witch," wika ni Veerana na siyang ikinangiwi ko. Too much pressure and expectation! Mas lalo tuloy akong kinabahan sa gagawin ko ngayong araw! "Good luck, Narissa. Show them how a royal witch uses its power. Show them our power."

Iniwan na ako ni Veerana sa kinatatayuan ko. Nagsimula na itong maglakad patungo sa puwesto ng dalawa pa naming kapatid at noong tawagin na ng tagapagsalita ang pangalan ko, napalunok na lamang ako at dahan-dahang inihakbang ang mga paa. Tahimik akong naglakad patungo sa gitnang bahagi ng bulwagan at noong nakarating na ako sa tamang puwesto ko, inangat ko ang paningin at matamang tiningnan ang inang reyna na prenteng nakaupo sa taas ng isang entablado. Sa likuran nito ay iilang elder witch na siyang matamang nakamasid din sa akin.

TUSS#13: Wrath of the Royal WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon