Chapter 1

217 10 2
                                    

Tamad akong naupo sa isang bakanteng upuan at pinagmasdan ang dalawang kapatid kong naglalaro sa malawak na espasyo sa likod ng malaking palasyo namin. Panay ang tawa ni Margarette samantalang naiinis na binato ito ni Veerana ng maliit na batong napulot 'di kalayuan sa puwesto nilang dalawa.

I sighed. Imbes na mag-ensayo silang dalawa ay talagang nagawa pa nilang maglaro. What are they anyway? A normal kid?

Napailing na lamang ako habang nakatanaw sa kanila at mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakaupo noong maramdaman ang presensiya ni Aurelia, ang nakatatandang kapatid namin, sa likuran ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at halos hindi gumalaw sa puwesto ko.

She's here. Tapos na ba ang pag-uusap nila ni ina?

"Bakit hindi ka nakikisali sa dalawang iyon?" tanong nito sa akin at naupo sa tabi ko. "Go and play with them, Narissa. Pahinga niyo naman ngayong araw kaya magsaya lang muna kayong tatlo."

Napangiwi ako sa narinig mula sa kapatid at umayos nang pagkakaupo. "Pahinga nga sa training kaya dapat ay maupo lang ako rito at ihanda ang sarili sa sunod na ipapagawa ni ina sa amin, Aurelia."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aurelia at bahagyang ginulo ang mahaba at nakalugay kong buhok. "Masyado kang seryoso, Narissa. Come on, have some fun with your sisters. Kung ipagpapatuloy mo iyang ugali mo, mas mauuna kang tatanda kay ina!" Muli itong tumawa sa puwesto niya at mayamaya lang ay mabilis itong natigilan at napatayo mula sa pagkakaupo nito.

Napakunot ang noo ko at mabilis na binalingan ang kapatid. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at pinagmasdan lang ang ekspresiyon nito sa mukha. Nakatingin ito sa harapan namin, tila may kung anong nararamdaman sa paligid. Segundo lang din ang lumipas, namataan ko ang tuwa sa mukha niya at mabilis binalingan ako.

"He's here," anito na siyang lalong ikinakunot ko ng noo.

"Sino?" wala sa sariling tanong ko sa kapatid at noong makita ko ang ngiti nito sa labi, napatango na lamang ako sa kanya. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito.

"Aalis muna ako, Narissa," paalam niya sa akin na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "Kakausapin ko lang ito."

"Magtatagal ka ba sa labas ng palasyo? Paano kung hanapin ka ni ina sa amin? Sa akin?" magkasunod na tanong ko at matamang tiningnan ang kapatid. "Alam mong hindi ko kayang magsinungaling sa kanya, Aurelia."

"Don't worry about me. May alibi na ako kapag magtanong si ina sa akin. Huwag ka na lang muna magpapakita sa kanya para hindi ka niya matanong. Huwag mo na ring sabihin sa dalawang kapatid natin kung nasaan ako." Ngumiti si Aurelia sa akin at mabilis na tinalikuran ako.

Napaawang na lamang ako ng labi sa ginawa ng kapatid. Tahimik ko itong pinagmasdan habang naglalakad palayo sa puwesto ko at noong mawala na ito sa paningin, napabuntonghininga na lamang ako.

Aurelia is the first born witch in our generation. Siya rin ang unang anak ng kasalukuyang reyna ng Ethereal Forest, ang tahanan ng mga kagaya kong witch.

Witch... yes, we are witches. At sa mundong kinagisnan ko, ang pamilya namin ang pinakamakapangyarihan. Kaya nga naging reyna ang aming ina. She's powerful enough to rule and protect our forest, our home.

Maliban kay Aurelia, may dalawa pa akong nakatatandang kapatid. Margarette and Veerana. Halos magkasing edad lang ang dalawang ito kaya naman silang dalawa ang magkasundo. Samantalang ako, ako ang bunso sa pamilya namin. At kumpara sa kakayanan ng mga nakatatandang kapatid, walang-wala ako sa kanila. Mas malakas at magaling ang mga ito kumpara sa akin.

I sighed and tried to act normal. Mukhang hindi naman napansin nila Margarette at Veerana ang pagkawala ni Aurelia. Abala pa kasi ang mga ito sa kung anong ginagawa nilang paglalaro sa malawak na bakuran ng palasyo.

TUSS#13: Wrath of the Royal WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon