Chapter 67

466 36 4
                                    

"Oh my gosh! You look so pretty ate!" Isang matinis na boses ang pumalinlang sa aking tainga pagkapasok ko sa kotse ni Deive. "Now I know why my brother is so fucking possessive at you." Dagdag na komento niya.

Possessive?

Bahagya naman akong namula sa sinabi ni Deivine mula sa backseat.

"T-thank you, hehe."

Pumasok na si Deive at binuhay ang makina.

Kami naman ni Deivine at nag uusap buong biyahe. Paminsan minsan ring nakikisali si Deive ngunit madalas nasa daan ang atensiyon niya.

Nag uumpisa nang mag agaw dilim ang kalangitan. Kauntong minuto na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw.

Ito ang pinaka gusto kong oras. Ang paglubog ng araw. Nakaka akit sa mata ang kulay ng kalangitan. Nag aagaw sa pula, dilaw at kahel. Tanda na dapat tayong maghanda sa panibagong bukas.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa aming patutunguhan.

Pansin ko agad ang dami ng tao na ang karamihan ay mga bata na nasa 3 hanggang 10 taong gulang. May ilan rin naman akong nakikita na kaedadan namin.

Akala ko ay baba na kami pero tumapat muna ang aming sinasakyan sa entrance ng bulwagan. Doon ko lang rin napansin na may red carpet pa palang lalakadan.

Taray, lakas maka artista.

Bumukas ang pinto ng passenger seat kung saan ako nakaupo at bumungad sa akin ang nakalahad na kamay ng valet.

Akmang ipapatong ko na ang kamay ko ng marahas na bumukas ang pinto driver seat at padabog itong isinara.

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Deive sa harap ko.

Putsa, kalahi din pala nito si Flash.

"Get lost you fucking jerk. Don't touch my woman or else I'll cut your fucking hands."

Mukhang natakot naman ang valet at agad na umatras para bigyan ng daan si Deive na matalim ang tingin.

"Gago ka, tinakot mo naman yung tao." Ngiwing sabi ko sa kanya pag kaalis nung lalaki. "At correction hindi mo ako babae. Kaya manahimik ka diyan."

"Dapat lang siyang matakot. Isang suntok ko lang sa kanya, mag aagaw buhay na siya." Nagmamalaking aniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa kabrutalan niya.

Iniabot niya sa akin ang kamay niya. Nagtaka naman ako kung bakit bigla siyang naglahad ng kamay.

Wala akong barya.

"Wala akong pera." Ngiwi kong saad.

Taka niya naman akong tiningnan na para bang may sinabi akong hindi niya maintindihan.

"What?"

"Sabi ko wala akong pera!"

Andami dami niyang pera tapos manghihingi pa siya sa akin?

Ganda lang ang meron ako.

"Idiot, I'm not asking for money." Mababakas mo ang pagkainis sa boses niya. Nagulat na lang ako nang kunin niya ang kamay ko at ipinagsalikop iyon sa kamay niya.

Ito na naman ang hindi mapangalang emosyon ang lumulukob sa pagkatao ko. Ang tibok ng puso ko na dinaig pa ang pakikipagkarera sa kabayo sa bilis. Ang puso kong kanina ay kalmado ngunit pinabilis niya ang tibok sa simpleng gesture niya.

Hinila niya ako palabas ng sasakyan. Ang akala ko ay wala ng mas ibibilis ang tibok ng puso ko pero nagkamali ako. Binitiwan niya ang kamay ko at agad na ipinalibot ang kamay niya sa bewang ko na nagpaawang sa labi ko.

BNDASD: The Painful Secrets [Part II] On GoingWhere stories live. Discover now