Chapter 68

460 31 4
                                    

Walamg imik kaming tatlo sa lamesa.

Panay ang sulyap sa akin ng magkapatid. At kada sulyap nila sa akin ay magtitigan sila na para bang may wirdo silang kasama.

Andito pa ako, hoy.

Pero tuwing titingnan ko sila ay agad silang aakto na parang walang nangyari.

Tanging ismid at irap lang ang ibinibigay ko kay Deive na kanina pa ang kindat sa akin.

Parang hindi lumandi kanina ah?

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. At kung nagsasalita lang ang kinakain ko malamang sa malamang minura na ako.

Paano ba naman, sa karne ko naibunton ang galit at inis ko sa malantod na si Deive. Ending namurder ko tuloy ang kinakain ko.

"Kuya, I'll get some sweets lang doon. Wala ba kayong ipapakuha?" Tanong ni Deivine.

"Okay, ikuha mo na rin kami. May susuyuin lang ako." Sagot naman ng malantod.

Umirap na lang ako sa sinabi niya.

Suyuin mo lola mo.

"Okie, dokie. Suyo well! Pero put the label first!" Nang aasar aniya. "Kidding I gotta go!"

Label?

Pinanood ko lang ang papalayo niyang bulto hanggang sa makarating ito sa sweet corner.

Nagbuntong hininga na lang ako at bumaling sa katabi ko na sana hindi ko na lang ginawa.

Galit nga pala ako.

"Lumayo ka sakin." Banta ko sa kaharap ko na ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ko.

"Hindi daw nagseselos ha. Ano yang mukhang yan?" Ngising tanong niya.

Mukha ng dyosang maganda.

"Hindi nga ako nagseselos. Bakit ba ang kulit kulit mo?! At anong meron sa mukha ko?"

"Bakit salubong yang kilay mo at nanghahaba yang nguso mo?" Turo niya sa mukha ko

Nagtaka ako naman ako at agad na kinapa ang kilay at nguso ko.

Natigilan naman ako ng makapa ko ang magkasalubong kong kilay at ang nanunulis kung nguso.

Hindi nga ako nagseselos.

Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit ba? Ganito ang tunay na maganda. Salubong ang kilay at nanghahaba ang nguso." Pag mamaang maangan ko.

"Reasons, reasons, reasons." Ngingis ngisi niyang sabi na may kasama pang pag iling. "Eh bakit ang sama ng tingin mo sa amin kanina?"

Au nakita niya pala yun, edi arouch.

"Eh sa ganon ako tumingin eh, ba't ba? At saka lumayo layo ka nga sa akin bago pa magdilim ang paningin ko at manaksak ng tinidor. Sige ka." Banta ko sa kanya at iritang ipinakita sa kanya ang tinidor na hawak ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na nagseselos ka? Look hindi mo ba matanggap na gwapo ako kaya ganon sila makatingin sa akin?"

Anak ng pucha?!

"Ano bang pinaglalaban mo? Hindi nga ako nagseselos, okay? Look wala akong karapatan na magselos dahil wala namang tayo?! Ayos lang na lumandi ka sa apat na linta kung yan ang gusto mo basta huwag mo na akong kakausapin pag katapos. Ayos lang kahit pa sampo ang landiin mo, kahit pa magtukaan  kayo! Wala akong pakialam. Basta ba tatanggapin mo ang pangungulam ko sayong letche ka!" Halos kapusin ako sa hininga sa sinabi kong iyon. Punyawa siya.

BNDASD: The Painful Secrets [Part II] On GoingWhere stories live. Discover now