Chapter 94

312 17 1
                                    

A Date with a Twist

AICE’S POINT OF VIEW

“Saan ba tayo pupunta? Ang paalam ko lang kay kuya ay  sa Café lang tayo nina Migs,” sabi ko at nilingon si Deive na nakangising nagmaneho.

Tuwang-tuwa ang hudas.

“Malalaman mo rin mamaya. Mabuti at pinayagan ka?” nakangising tanong niya at nilingon ako.

Nakasuot siya ng jeans at black polo na bukas ang tatlong butones. Mayroon din siyang suot na kwintas na ang disenyo ay moon ata ‘yun. Ang buhok niya ay bahagyang naka-push back at halatang bagong ligo siya.

Ang guwapo at ang bango! Amoy expensive!

Samantalang ako naman ay nakasuot lang ng jeans at black t-shirt. Matchy-matchy tuloy kami. Nagdala rin ako ng sling bag para sa cellphone at pera ko.

Siya amoy expensive ako amoy bahay.

“Ipagpasalamat mo na lang na pinayagan ako, kung hindi baka nakatalon na ako sa bintana gaya ng suhestiyon mo,” ngiwing sagot ko at tinampal ang kamay niya nang ipatong niya ito sa ibabaw ng hita ko.

“What?” tatawa-tawang tanong niya at muling ipinatong ang kamay niya sa hita ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Should I say thank you?”

“Should I say you’re welcome?” sarkastikong tanong ko at pinandilatan siya ng mata.

Tumawa ang loko at hinayaan ko na lang siyang ipatong ang kamay niya sa hita ko.

“Hindi ako tumatanggap ng you’re welcome. I only accept kiss and I love you’s,” hirit niya at nakangising nilingon ako.

Tumawa ako. “Ang landi mo ha,” ani ko at dinilaan siya.

Tumawa siya. “Sa’yo lang naman lalandi.”

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya pero ang puso ko ay nagkakarambola na.

‘Yan ang gusto ko, ‘yung ako lang ang nilalandi.

Napailing na lang ako bago napasandal sa upuan. Bumaling ako sa bintana dahil napapansin ko na hindi na pamilyar ang dinadaanan namin.

“Saan ba tayo, Deive pupunta? Baka kung saan mo ako dalhin, ha?” tanong ko at nanatiling nakatingin sa bintana.

Puro puno na ang nadadaanan namin at madalang na ang mga bahay na nakikita ko.

“I told you, it’s a surprise,” aniya. Napanguso ako.

Surprise pero magugulat na lang ako na sa Motel niya ako dadalhin, gago.

“Pero alam kong makulit ka at hindi mo ako titigilan nang katatanong,” dagdag pa niya na ikinalingon ko. Mabuti at alam mo. “Sa probinsiya niyo tayo pupunta.”

Napaayos ako ng tayo at nanlalaking matang tiningnan siya. Pakiramdam ko ay nabingi ako at nayanig ang kaluluwa ko.

Joke time ba ‘to?

“S-Saan kamo?!” sigaw ko sa gulat. “Nagbibiro ka ba?!”

Napangiwi naman siya sa pagsigaw ko. “Sa probinsiya niyo kamo. I searched and found some beautiful tourist spot that you will probably like.”

Nag-init ang puso ko sa sinabi niya.  Talagang nag-search pa siya ng tourist spot sa probinsiya eh puwede namang magtanong na lang siya sa akin kasi doon ako dati nakatira.

Pero ang effort niya ha. Bigyan ng kiss ‘yan.

“Dapat sinabi mo agad sa akin. Ginulat mo naman ako!” reklamo ko pa. Nilingon niya ako.

BNDASD: The Painful Secrets [Part II] On GoingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora